Youth group rallies behind BBM; calls on supporters to remain steadfast amid flood of fake news

21 April 2022

THE leaders of BBM Youth Advocate, a group that supports presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos , have called on the millions of their  supporters nationwide to remain steadfast and  strengthen their ranks until they finally deliver a victory for him in the scheduled May 9 elections.

Harold Toledana, director- general of BBM Youth Advocate, said they were prompted to solidify their ranks to parry what he described as a flood of fake news and disinformation being unleashed by the camps of other candidates against BBM.

They especially identified the camps of Leni Robredo and Isko Domagoso who were now reportedly resorting to all forms of dirty tactics just  to derail BBM from winning the presidency.

“Lahat ng fake news inilabas na ng mga kalaban. Mula disqualification case hanggang estate tax. Kahit ang mga anak ni BBM ay idinadamay na nila. Ganyan sila kasalbahe at kadesperada kaya panawagan ko sa mga kapwa ko volunteers at supporters, ipakita pa natin nang todo ang ating puwersa,” said Toledana.

He then urged their members to comply with Atty. Vic Rodriguez's call that they shouldn’t rest "until we have achieved the 70% preference survey rating" , to ensure BBM's victory.

“Ang ginagawang pagpapakalat ng fake news ng mga dilawan na bumaba si BBM sa huling survey ng Pulse Asia survey ay hindi natin dapat paniwalaan at sa halip, magsilbi pa itong challenge sa ating lahat upang paramihin pa ang ating puwersa, lakas at suporta,” added Toledana.

The BBM Youth leader believes that Marcos is poised to become the first majority president of the Philippines in the multi-party system era.

Results of latest Pulse Asia survey showed Marcos 54% which is equivalent to 36.4 million votes from 60 million registered voters in the country.

While Robredo is likely to get only 16 million from the meager 24% ratings she obtained in the same survey.

“Kaya pa nating pataasin si BBM. Sumali sa lahat ng caravan, campaign rally at kahit pag-like, pag-post at pag-share sa ating mga messaging,” he said.

He added the official FB page that millions of supporters should follow is Bongbong Marcos and Uniteam BBM-Sara.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM YOUTH: MANATILING MATATAG, PALAKASIN ANG HANAY PARA MATIYAK ANG PANALO NI BONGBONG SA MAY 9 ELECTION

NANAWAGAN ang pamunuan ng BBM Youth Advocate sa milyon-milyong tagasuporta ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, na manatiling matatag at higit pang palakasin ang hanay upang tuluyan nilang makamit ang tagumpay sa darating na halalan.

Maraming political expert ang nagsasabi na dahil sa laki ng kanyang kalamangan sa mga pre-election survey, malaki ang posibilidad na si BBM na ang magiging kauna-unahang majority president ng bansa sa ilalim ng multi-party system.

Ayon kay Harrold Toledana, director general ng BBM Youth Advocate, ngayong isang buwan na lang bago ang inaabangang May 9 elections, higit pa dapat na maging malawak, matatag at malakas ang pagsusulong para sa tambalang BBM-Sara UniTeam.

Sinabi ni Toledana na anuman ang nasimulan bago pa man magdeklara ng kanyang kandidatura si Marcos ng nakalipas na taon, mas dapat na maging malakas at maingay ito dahil sa kabi-kabilang paninira na ang ginagawa ng mga kalaban.

“Lahat ng fake news inilabas na ng mga kalaban. Mula disqualification case hanggang estate tax. Kahit ang mga anak ni BBM ay idinadamay na nila. Ganyan sila kasalbahe at kadesperada kaya panawagan ko sa mga kapwa ko volunteers at supporters, ipakita pa natin nang todo ang ating puwersa,” ani Toledana.

Ayon sa kanya, magsilbing gabay ng lahat ng Marcos supporters ang ipinahayag ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni BBM, na hindi dapat magpahinga hanggang makamit ang 70% preference survey hanggang manalo sa darating na May 9.

“Ang ginagawang pagpapakalat ng fake news ng mga dilawan na bumaba si BBM sa huling survey ng Pulse Asia survey ay hindi natin dapat paniwalaan at sa halip, magsilbi pa itong hamon sa ating lahat para i-challenge sila sa paramihan ng puwersa, lakas at suporta,” sabi pa ni Toledana.

Naniniwala ang BBM Youth leader na ngayong darating na Mayo ay maitatala rin ang kauna-unahang ‘majority president’ sa Pilipinas sa ilalim ng ‘multi-party system’ dahil ang pinaka-latest na 56% na nakuha ni Marcos sa Pulse Asia Survey ay katumbas ng 36.4 million votes mula sa 60 million registered voters sa bansa. 

Samantalang si Robredo ay posibleng makakuha lamang ng 16 million mula sa karampot na 24% ratings na nakuha sa nakalipas na survey.

“Kaya pa nating pataasin si BBM. Sumali sa lahat ng caravan, campaign rally at kahit pag-like, pag-post at pag-share sa ating mga messaging,” sabi pa nito.

Ang official FB page aniya na dapat subaybayan ng milyong tagasuporta ay ang Bongbong Marcos at Uniteam BBM-Sara.

-30-