Join the campaign (Learn More)

YOUTH CRUCIAL IN BBM-SARA UNITEAM'S PUSH FOR NAT'L UNITY

Press Releases
6 December 2021

The son of Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., Ferdinand Alexander' Sandro' Marcos, acknowledged the vital role of the youth in the country's bid for national unity, an advocacy of the BBM-Sara UniTeam.

In a recent interview by local media in Valencia, Bukidnon, Sandro said, “Ang mga kabataang Pilipino ay integral sa pagkakaisa ng buong bansa."

“Ang mga kabataan ay lubhang napakahalaga hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan ng buong Pilipinas," he added.

Sandro received a warm welcome from thousands of supporters of the BBM- Sara UniTeam as he represented his father during the huge crowd event in Bukidnon.

Bongbong Marcos's eldest son also said that it is normal for him to feel a little 'pressure' because he can be compared to his father and even his grandfather, who has done many good things for Filipinos.

“Of course naman ‘yan. Normal naman na pressured ka, lolo ko naging Presidente, marami rin siyang ginawa. Ang daming tinulungan ng tatay ko. Hindi lang sa Ilocos kundi sa buong bansa, but I think what I can say and safely, positively do is try my best at ang maganda naman ay nandun ang aking tatay para tulungan ako, nandun si Majo Martin (Majority Leader Romualdez) para tulungan ako,” Sandro said.

The 27-year old Sandro also wants to create his unique leadership style. He said he would also try to match or surpass the achievements of his grandfather, former president Ferdinand Marcos, Sr., and his father, former senator Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

“Dalawang taon na yata nang magtrabaho ako sa Kongreso, so marami rin akong natutunan. Sa tingin ko naman handang-handa ako hindi lang para makapag-serbisyo para aking mga kababayan but to put my own style of leadership, my brand of service,” he said.

Sandro, who is running for a congressional seat for the first district of Ilocos Norte, attended the Unity Rally held in Bukidnon, where he witnessed the generous support of thousands of locals for the BBM-Sara UniTeam.

The young Marcos apologized for the absence of his father, BBM, and his running mate Inday Sara, in the event.

However, Sandro promised that the tandem would attend the next organized BBM-Sara UniTeam in Bukidnon.

The BBM-Sara UniTeam Bukidnon sorties were led by Valencia City Mayor Azucena Huervas, Vice-Mayor Pol Murillo, Councilor Oliver Garcia, Congressmen Rogelio Niel Roque (1st District) and Congressman John Flores Bukidnon (2nd District) vice-gubernatorial bet Pastor Dan Dangalo and Councilor Oliver Garcia, president of the Philippine Councilors League.

Also present in the event was Sandro's uncle, House Majority Leader Martin Romualdez.

When asked what his role once his father won the presidential election, Sandro said he would push for youth-related programs.

“Alam mo sa totoo lang, kailangan pong asikasuhin natin ang mga nangyayari sa halalan, kung paparating tayo diyan, sa awa ng Diyos, tsaka lang natin magagawa ang mga programa para sa mga kabataan dahil para kay BBM, para kay Mayor Sara Duterte, alam naman po natin na ang kabataan ay napakahalaga ng kanilang ginagampanang papel sa pagtataguyod ng pagkakaisa at para sa pag-ahon ng bansa mula sa krisis na dala ng pandemya,” Sandro said.

Sandro believed that the youth sector would be one of the priorities under the Marcos-Duterte administration.

"They will be a priority, of course, sa mga specific na programa kailangan ko muna of course kausapin ang aking tatay and of course I will be an advocate for promoting the youth and making sure that their voice will be heard," the social media' heartthrob added.

“I will be there to help him wherever he can but I’ve always said, lagi ko naman sinasabi marami naman matatalino sa pamahalaan, marami naman mas kaya (magaling) sa government. Mas marami pa silang experience,” Sandro said.

If he wins as a representative of the first district of Ilocos Norte, the young Marcos assured that he would push for the legislative agenda of his father.

“Nandoon ako para tulungan siya sa kanyang legislative agenda kasama si Majo Martin dun sa 18th Congress na sasama ako sa kanya but sa totoo lang, I don’t want to get ahead of myself. Hindi pa tayo nakarating diyan, so kailangan mag-focus muna tayo sa kailangan nating gawin and that is to win the election and to make sure our country is reunited for the things to come,” Sandro said.

On the issue of vaccines, Sandro said the Filipino youth are already aware of the importance of vaccines against Covid-19. He said that what is needed is to encourage those who are possibly still not yet adequately informed about the vaccines.

“Sa tingin ko naman po, hindi naman po yan problema sa mga kabataan na magpabakuna na sila. Ang problema naman sa iba para sa akin, ang problema sa mga mas matatanda medyo nagpapadelay ( ng konti para sa magpabakuna,” he said.

Sandro called on the public, especially the supporters of BBM-Sara UniTeam, to support the government's vaccination campaign.

“Ang hiling ko lang kanila ay hindi lang suportahan ang BBM-Sara UniTeam kundi magpabakuna rin sila, kasi yan lang ang cure at paraan kung paano natin tatalunin ang pandemya na ito,” Sandro said.

-30-

FILIPINO VERSION

KABATAAN MAHALAGA SA ISINUSULONG NG BBM-SARA UNITEAM NA PAGKAKAISA

Kinilala ng anak ni Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na si Ferdinand Alexander 'Sandro' Marcos ang mahalagang papel na gagampanan ng mga kabataan sa pagkakaisa ng bansa.

Sa panayam kamakailan ni Sandro sa lokal na media sa Valencia, Bukidnon, sinabi niya na, “Ang mga kabataang Pilipino ay integral sa pagkakaisa ng buong bansa."

“Ang mga kabataan ay lubhang napakahalaga hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan ng buong Pilipinas," dagdag pa niya.

Naging mainit ang naging pagtanggap ng mga libu-libong tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam kay Sandro na kumatawan sa kanyang ama sa isang malaking pagtitipon sa Bukidnon.

Sinabi rin ng panganay na anak ni Bongbong Marcos na normal para sa kanya ang makaramdam ng kaunting ‘pressure’ dahil maaaring ikumpara siya sa kanyang ama at maging sa kanyang lolo na maraming nagawang mabuti para sa mga Pilipino.

“Of course naman ‘yan. Normal naman na pressured ka, lolo ko naging Presidente, marami rin siyang ginawa. Ang daming tinulungan ng tatay ko. Hindi lang sa Ilocos kundi sa buong bansa, but I think what I can say and safely, positively do is try my best at ang maganda naman ay nandun ang aking tatay para tulungan ako, nandun si Majo Martin (Majority Leader Romualdez) para tulungan ako,” ani Sandro.

Para sa 27-taong gulang na si Sandro, gusto niyang magkaroon ng sariling istilo ng pamumuno at sisikapin din niya na matumbasan o mahigitan ang mga nagawa ng kanyang lolo na si dating pangulong Ferdinand Marcos at ama maging ng kanyang ama na si dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

“Dalawang taon na yata nang magtrabaho ako sa Kongreso, so marami rin akong natutunan. Sa tingin ko naman handang-handa ako hindi lang para makapag-serbisyo para aking mga kababayan but to put my own style of leadership, my brand of service,” sabi pa nito.

Si Sandro, na tumatakbo sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Ilocos Norte ay dumalo sa Unity Rally na isinagawa sa Bukidnon, kung saan nasaksihan niya ang mainit na suporta ng libu-libong mga taga-roon sa BBM-Sara UniTeam.

Humingi ng paumanhin ang batang Marcos dahil hindi nakadalo ang kanyang ama na si BBM, gayundin ang running-mate nito na si Inday Sara sa pagtitipon.

Gayunman, ipinangako ni Sandro na sa susunod na pag-organisa para sa BBM-Sara UniTeam ay siguradong darating ang inaabangang tambalan sa Bukidnon.

Nanguna sa BBM-Sara UniTeam Bukidnon sortie sina Valencia City Mayor Azucena Huervas, Vice-Mayor Pol Murillo, Councilor Oliver Garcia, Congressmen Rogelio Niel Roque (1st District) at Congressman John Flores Bukidnon (2nd District) vice-governatorial bet Pastor Dan Dangalo at Councilor Oliver Garcia na presidente ng Philippine Councilors League.

Kasama ni Sandro sa humarap sa libu-libong BBM-Sara UniTeam supporters ang tiyuhing si House Majority Leader Martin Romualdez.

Samantala, nang tanungin kung ano ang magiging role  sakaling palarin ang ama na manalo sa nalalapit na presidential election, kaagad itong sumagot na isusulong niya ang mga programa na may kinalaman sa mga kabataan.

“Alam mo sa totoo lang, kailangan pong asikasuhin natin ang mga nangyayari sa halalan, kung paparating tayo diyan, sa awa ng Diyos, tsaka lang natin magagawa ang mga programa para sa mga kabataan dahil para kay BBM, para kay Mayor Sara Duterte, alam naman po natin na ang kabataan ay napakahalaga ng kanilang ginagampanang papel sa pagtataguyod ng pagkakaisa at para sa pag-ahon ng bansa mula sa krisis na dala ng pandemya,” ani Sandro.

Naniniwala rin si Sandro na ang sektor ng kabataan ang isa sa magiging prayoridad ng Marcos-Duterte administration.

“They will be a priority of course sa mga specific na programa kailangan ko muna of course kausapin ang aking tatay and of course I will be an advocate for promoting the youth and making sure that their voice will be heard,” dagdag pa ng tinaguriang ‘heartrob’ ng social media.

“I will be there to help him wherever he can but I’ve always said, lagi ko naman sinasabi marami naman matatalino sa pamahalaan, marami naman mas kaya (magaling) sa government. Mas marami pa silang experience,” ani Sandro.

Kung sakaling palarin na manalo bilang kongresista sa unang distrito ng Ilocos Norte, tiniyak ng batang Marcos na isa siya sa mangunguna upang isulong ang anumang legislative agenda ng ama.

“Nandoon ako para tulungan siya sa kanyang legislative agenda kasama si Majo Martin dun sa 18th Congress na sasama ako sa kanya but sa totoo lang, I don’t want to get ahead of myself. Hindi pa tayo nakarating diyan, so kailangan mag-focus muna tayo sa kailangan nating gawin and that is to win the election and to make sure our country is reunited for the things to come,” sagot pa ni Sandro.

Sa isyu ng bakuna, sinabi ni Sandro na ang kabataang Pinoy ay mulat na sa kahalagahan ng bakuna kontra Covid-19. Ang medyo kailangan pa aniyang hikayatin ngayon ay iyong ibang kababayan na posibleng hindi nabibigyan ng tamang impormasyon.

“Sa tingin ko naman po, hindi naman po yan problema sa mga kabataan na magpabakuna na sila. Ang problema naman sa iba para sa akin, ang problema sa mga mas matatanda medyo nagpapadelay ( ng konti para sa magpabakuna,” sabi pa nito.

Ang panawagan pa ni Sandro, lalo sa mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam ay suportahan din ang programa ng pamahalaan para sa bakuna.

“Ang hiling ko lang kanila ay hindi lang suportahan ang BBM-Sara UniTeam kundi magpabakuna rin sila, kasi yan lang ang cure at paraan kung paano natin tatalunin ang pandemya na ito,” sabi pa ni Sandro.

-30-