United Beki, ALDUB, FPJPM and more orgs back BBM-Sara UniTeam

23 March 2022

THE number of organizations and groups expressing support for presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate Inday Sara Duterte is continuing to swell, further strengthening their pole positions with barely over a month before the scheduled May 9 elections.

Among the latest groups to pledge their support are the United Beki of the Philippines, Inc. (UBPI), a group belonging to the third sex community, the Filipinos for Peace, Justice, and Progress Movement (FPJPM), the People's Patriotic Movement (PPM), and Alyansang Duterte-Bongbong (ALDUB).

Last Monday, Atty. Vic Rodriguez, Marcos’ spokesman and chief of staff met with June Noya president of UBPI; San Juan, La Union Councilor Nikkie Valero Velilla of ALDUB La Union; Egay Maranan of PPM; and Joseph Cadsawan of FPJPM  who all personally expressed their support to Marcos.

“Sa lahat ng kandidato sa pagkapangulo ngayon, kina BBM-Sara lamang namin nakita ang may maayos at direktang programa para sa miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community,” said Noya.

The SEC registered UBPI is one of the largest gay and lesbian organizations in the country.

It already has more than 300,000 members, but Noya ensures that there are 100,000 registered voters among their members.

Noya told Rodriguez that the incoming Marcos-Duterte administration would further increase the rights of those on the ‘third sex’ row, especially responding to complaints of discrimination, economic programs, knowledge, training skills, health, same sex union and above all having a shelter or home for the older gays in all regions of the country.

For Maranan, there are 126 organizations in their groups  that have committed to fully undertake all UniTeam related activities.

Velilla said it was 2016 when they pushed the ALDUB or Alyansang Duterte-Bongbong. “Pero ngayon, buhay uli kami sa La Union para naman sa Marcos-Duterte,” Velilla said, referring to 82 provinces covered by ALDUB. Most of them are members of the PDP-Laban now.

“Buhay na buhay kami at andun pa rin ang spirit,” he said.

Cadsawan said it was his father who founded the Fernando Poe Jr. for President Movement (FPJPM). It then evolved and became the "Filipinos for Peace, Justice, and Progress Movement" with the command votes of almost two million Filipinos.

A board resolution approved their support for UniTeam, allowing them to thwart a lawmaker's demand to endorse Isko Moreno's candidacy.

“BBM kami solid at wala nang makakapagbago rito,” said Cadsawan.

- 30 -

FILIPINO VERSION

UNITED BEKI, ALDUB, FPJPM AT IBA PANG ORGANISASYON BBM-SARA RIN!

PATULOY na dumarami ang mga organisasyong nagpapahayag ng suporta para sa kandidatura nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang running-mate niya na si Inday Sara Duterte.

Sa pagkakataong ito ay ang grupong United Beki of the Philippines Inc. (UBPI), Filipinos for Peace, Justice, Progress Movement (FPJPM), People’s Patriotic Movement (PPM) at Alyansang Duterte-Marcos (ALDUB) ang nagdeklara ng kanilang solidong suporta para sa BBM-Sara UniTeam.

Nitong nakalipas na Lunes, humarap kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos sina June Noya, presidente ng UBPI; San Juan, La Union Councilor Nikkie Valero Velilla, ng ALDUB La Union; Egay Maranan ng PPM; at Joseph Cadsawan ng FPJPM upang personal na ipaabot ang kanilang suporta kay BBM.

“Sa lahat ng kandidato sa pagkapangulo ngayon, kina BBM-Sara lamang namin nakita ang may maayos at direktang programa para sa miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community,” ani Noya.

Ang SEC registered na UBPI ay isa sa pinakamalaking samahan ng mga gay sa bansa.

Mahigit 300,000 na ang kasapi nito, ngunit nasisiguro ni Noya na may 100,000 na ang registered voters sa kanilang miyembro.

Ipinarating ni Noya kay Rodriguez na sana mas lalo pang pag-ibayuhin ng darating na Marcos-Duterte administration ang karapatan ng mga nasa hanay ng ‘third sex,’ partikular na ang pagtugon sa mga reklamo ng ‘diskriminasyon,’ programang pang-kabuhayan, kaalaman, training skills, kalusugan, same sex union at higit sa lahat ang pagkakaroon ng ‘shelter’ o ‘home for the gays’ para sa mga tumatandang bading sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Para kay  Maranan, may 126 organisasyon ang naka-alyansa sa kanilang samahan at kasado na ang lahat ng aktibidades ng UniTeam na kanilang sasamahan at susuportahan.

Sinabi naman ni Velilla na taong 2016 nang isulong nila ang AlDuB o Alyansang Duterte-Bongbong. “Pero ngayon, buhay uli kami sa La Union para naman sa Marcos-Duterte,” ani Velilla na nagsabing ang AlDuB ay may 82 probinsiyang kinapapalooban. Karamihan sa mga ito ay mga miyembro na ng PDP Laban ngayon.

“Buhay na buhay kami at andun pa rin ang spirit,” sabi pa ng konsehal.

Sinabi naman ni Cadsawan na mula sa kanyang ama na nagsulong ng Fernando Poe Jr. for President Movement (FPJPM), itinuloy ito para naman sa Filipinos for Peace, Justice, Progress Movement na may command votes na halos dalawang milyong Pilipino.

Ang suporta nila sa UniTeam ay aprubado ng board resolution na dahilan upang biguin nila ang panawagan ng isang mambabatas para naman suportahan ang kandidatura ni Isko Moreno.

“BBM kami solid at wala nang makakapagbago rito,” sabi pa ni Cadsawan.

-30-