Join the campaign (Learn More)

UniTeam’s mass transportation blueprint includes Pasig River Ferry System modernization

Press Releases
13 January 2022

CONVINCED that it is one of the best solutions to address perennial traffic jams in Metro Manila’s major thoroughfares especially along EDSA, the BBM-Sara UniTeam has included in its mass transportation blueprint the plan to modernize the Pasig River Ferry System, after they are elected in this year’s elections.

According to Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., he and his running mate Inday Sara Duterte, will immediately prioritize and implement the modernization of ferry transportation system along the Pasig River which connects Laguna de Bay to Manila Bay, once they assumed office.

Bongbong added that unlike in previous administrations, they are looking at the possibility of the government managing the program rather than allowing the private sector to run and profit from it.

“Alam naman natin na kapag private company ang may hawak, sigurado kahit papano ay kailangan nilang kumita. Ngunit kapag gobyerno ang mamahala nito ay hindi na ito dapat pang pagkakitaan,” he noted.

“Dahil ang malutas lang ang problema sa trapiko ay malaking tulong na sa ating mga kababayan at magpapakita rin na ang gobyerno ay tapat at tunay na naglilingkod sa tao,” he also said.

Bongbong pointed out that aside from easing traffic, utilizing the Pasig River Ferry System could also play a big role in spurring economic activities and in ushering in progress in the country.

He cited a February 2018 study by Japan International Cooperation Agency (JICA) which showed that the country is losing P3.5-B daily in potential income and productivity because of daily traffic jams in Metro Manila.

“Maliwanag sa pag-aaral ng JICA na P3.5-B kada araw ang nawawala sa bansa dahil sa matinding trapik. Kaya naman importante na masolusyonan natin ito at malaki ang maitutulong ng moderno at maayos na Pasig River Ferry System para malutas ang problema sa trapiko at magreresulta pa ito sa mas masiglang kalakalan at maunlad na ekonomiya,” Bongbong explained.

He then vowed that the UniTeam will fully support the immediate approval of the proposed Pasig River Ferry Convergence Program which is being pushed by the incumbent Duterte administration.

Bongbong noted that if the ferry system can be strengthened, it will surely be a great convenience, not only to commuters and motorists, but also in easing down pollution levels in Metro Manila thus, helping the environment.

Their team plans to construct new and disaster –resilient ferry stations, improve on existing ones, and launch safe, sleek and state –of-the –art ferries to encourage commuters in patronizing them.

For the past three decades, three private companies have managed the ferry system.

Currently, there are 11 ferry stations that are placed in various areas along the length of the river from Pasig to Intramuros in Manila.

UniTeam added that a large budget may be needed for this project but fixing the traffic problem will surely yield a handsome return of investments for the economy.

“Iyan ang programa namin ni Inday Sara. Kapag maluwag ang trapik sa Metro Manila, tiyak ay luluwag din ang ating ekonomya,” Marcos added. 

In the past, merchant boats passed through the Pasig River that boosted barter trades between the Filipinos, Chinese and other foreigners.

-30-

FILIPINO VERSION

MODERNISASYON NG PASIG RIVER FERRY SYSTEM, NASA BLUEPRINT NG UNITEAM

NASA ‘blueprint’ na ng BBM-Sara UniTeam ang planong modernisasyon sa Pasig River Ferry System bilang isa sa alternatibo at mabisang solusyon upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kikilos agad silang dalawa ni Mayor Sara Duterte matapos silang manalo sa halalan ngayong darating na Mayo, para bigyang prayoridad ang pagpapaunlad sa transportasyong pang-lantsa sa babaybayin ng Ilog Pasig na nag-uugnay sa Laguna de Bay hanggang Manila Bay.

Dagdag pa niya importante na i-modernize at palakasin ang Pasig River Ferry System sapagkat malaking tulong ito hindi lamang upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila, kundi magreresulta rin sa mas maunlad at masiglang ekonomiya.

Base sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong Pebrero 2018, lumalabas na nawawalan ng P3.5-B na potensyal na kita kada araw ang bansa dahil sa matinding trapiko sa Metro Manila.

At kung hindi malulutas agad aabutin pa sa hanggang mahigit P5-B kada araw pagsapit ng dekada 2030, ayon pa rin sa JICA.

Dahil dito, pabibilisin din nilang dalawa  ni Mayor Sara ang pag-apruba sa isinusulong na Pasig River Ferry Convergence Program ng Duterte administration.

Aniya, mas pabor din sila na gobyerno na ang mamahala nito at hindi na dapat pribadong sektor.

“Alam naman natin na kapag private company ang may hawak, sigurado kahit papano ay kailangan nila ng ‘profit.’ Pero kapag gobyerno ang may hawak, hindi nito pagkakakitaan ang taumbayan dahil ang dapat manguna rito ay ang tunay at tapat na serbisyo sa taumbayan,” sabi pa ni Marcos.

Para sa BBM-Sara UniTeam, isa ang pagpapalakas sa Pasig River Ferry System sa susi para lumuwag ang trapiko sa mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA.

“Kapag nangyari iyon ay tiyak na makikinabang ang tinatayang 10 milyon commuters na karamihan ay mga mangggawa at kulang sa tatlong milyong motorista,  na magreresulta rin sa mas masigla at maunlad na ekonomiya,” sabi pa niya.

Dagdag pa nila, kung mapapalakas nang husto ang ‘ferry system,’ tiyak na malaking kaginhawaan ito, hindi lamang sa mga commuters at motorista, kundi pati na rin ang pagpapaigi sa ating kapaligiran kontra polusyon.

Sa mga nakalipas na taon, tatlong pribadong kumpanya ang namahala ng ferry system.

Una ang Metro Ferry o Magsaysay Lines. Ikalawa, ang Starcraft Ferry at ang ikatlo ay SCC Nautical Transport System Inc. na pawang nalugi at nagsara.

Simula taong 2015 hanggang sa kasalukuyan, pinamamahalaan na ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na may 11 passenger boats, dalawang tugboats, dalawang trash boats at isang ‘trash skimmer with conveyor boat.’

Mayroon ngayong 11 istasyon ang ferry at ang mga ito ay ang Plaza Mexico, Escolta, Lawton, Lambingan, Sta. Ana, Valenzuela, Hulo, Guadalupe, Maybunga, San Joaquin at Pinagbuhatan na kumokonekta mula Maynila hanggang Pasig.

Nabatid sa ginawang pag-aaral ng Department of Transportation (DOTr), ilan sa dahilan kung bakit nalulugi ang ferry system ay dahil sa hindi ito tinatangkilik ng karamihan sa ating mga kababayan.

Posible, ayon sa BBM-Sara UniTeam, ay kulang ito sa paghahatid ng tamang impormasyon o maaaring hindi ‘strategic’ ang mga kasalukuyang istasyon na dapat aralin pa nang husto ng kinauukulan.

Isa rin sa nakikitang dahilan ay ang mga ‘informal settlers’ na malaking isyu sa seguridad, gayundin ang pagsulputan ng water lily at siyempre ang mabahong amoy na nalalanghap sa paligid ng Ilog Pasig.

Ayon sa UniTeam, sa usapin ng informal settlers ay tamang pabahay ang nararapat sa mga ito. Positibong problema naman anila ang water lily dahil maaaring mapakinabangan ito para sa livelihood program.

Ani Marcos, kung magiging masinop lamang ang pamamaraan, kapag natuyo ang water lily ay puwede itong gawing bag, salakot, banig na dagdag kabuhayan sa ating mga kababayan. 

“Probinsiyano’t probinsiyana po kami pareho ni Inday Sara. Para sa amin, puwede pa ngang gawing pangontra sa mga lumot (algae) sa ating fishpond ang mga water lily. Puwede ring ipakain ito sa mga hayop sa Zoo o sa mga alaga nating hayop na ang tawag natin ay organic farming,” sabi pa ni Marcos.

Dahil dito, kumpiyansa ang tambalang Marcos-Duterte na kung mapalakas lamang ang ferry system ay malaking kaginhawaan ito hindi lamang sa daloy ng trapiko sa Metro Manila, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng ekonomya.

“Iyan ang programa namin ni Inday Sara. Kapag maluwag ang trapik sa Metro Manila, tiyak ay luluwag din ang ating ekonomya,” diin  ni Marcos. 

Noong mga nakalipas na panahon, sa Ilog Pasig dumaraan ang mga bangkang pangkalakal na nagpalakas sa ‘barter trade’ ng Pilipinas sa mga Tsino at iba pang banyaga.

-30-