UniTeam receives rousing welcome from Ilocano town in Sultan Kudarat

28 March 2022

A large portion of the residents in the town of Lambayong in Sultan Kudarat province gave a rousing welcome to their kailyan, Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and the UniTeam slate on Monday afternoon.

Thousands of the 79,000-strong residents of Lambayong went to the newly built municipal town and lined the streets to greet Marcos and the UniTeam senatorial candidates who barnstormed key cities in Mindanao region which started on Saturday.

The town is formerly named Don Mariano Marcos Municipality, in honor of the UniTeam presidential bet’s grand father, and is comprised of 80% Ilocano speaking residents.

Lambayongeños are proud of their Ilocano heritage such that the language is not lost to the residents and is widely spoken. 

Apart from the language, the Ilocano residents have also utilized their skills in agriculture that the town is among the most productive agriculture areas in Sultan Kudarat and is considered the Rice Granary for the entire province. 

Joining Marcos in the visit to Lambayong are veteran broadcast journalist Erwin Tulfo, and  UniTeam senatorial bet Jinggoy Estrada. 

The UniTeam was warmly welcomed by the local government officials headed by Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu, Former Sultan Kudarat Governor Sultan Pax Mangudadatu, Cong. Princess Rihan Abdurajak.

Also with them are incoming Sultan Kudarat Province Governor Datu Pax Mangudadatu, Lambayong Mayor Ferdinand Agduma, and Lambayong Vice Mayor Francis Eric Recinto and other local government officials there.

Marcos also inaugurated the newly built Lambayong Municipal Hall and held a town hall meeting with sector representatives to get a pulse of the issues affecting the community and the province. 

Veteran newsman Erwin Tulfo served as moderator for the event which lasted for more than an hour and was live streamed by Sonshine Media Network International (SMNI).

“101% ang suporta namin sa inyo.  Ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas,”  said Lambayong Mayor Ferdinand “Andy” Agduma.

Marcos thanked the Lambayongeños for the very warm welcome they gave the entire UniTeam and he prodded them to sing a happy birthday song for President Rodrigo Roa Duterte who celebrates his birthday today March 28, 2022.

“Napakainit ng binigay niyong suporta. Iparinig niyo sa Pilipinas na sa Lambayong buo ang suporta sa UniTeam. Kritikal ang ating mensahe ng pagkakaisa.  Dito sa Lambayong hindi na kailangang magpaliwanag dahil nagkaisa na.  Maraming maraming salamat po,”  Marcos said.

Despite the downpour many of the attendees within the municipal compound stayed and finished the program.

Lambayong serves as a model community where Christians and Muslim residents harmoniously live with one another and rely on each other for help in times of need.

It can be recalled that years ago, the government encouraged residents from various parts of the country to migrate to the sparsely populated areas to encourage economic rural development.

Lambayong, along with many other provinces in Mindanao has an abundance of natural resources and a fertile soil, making the region a potential food basket for the country.

Marcos, who has previously pledged to revive the country’s agriculture sector is set to pour in more funds and continue President Rodrigo Duterte’s Build, Build, Build program to create more jobs, more affordable food for the people and realize Mindanao’s economic potential.

-30-

FILIPINO VERSION

MARCOS MAINIT NA TINANGGAP NG MGA KABABAYANG ILOKANO SA SULTAN KUDARAT

MAINIT ang ginawang pagsalubong ng mga residente ng bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa ikatlong araw ng kaniyang Mindanao campaign sortie, kasama ang UniTeam slate nitong Lunes ng hapon.

Ang Lambayong ay may 79,000 residente kung saan 80 porsiyento ng populasyon ay marunong mag-Ilokano.

Mayorya sa kanila ang nagsilabasan ng kanilang bahay, pumila sa kalsada upang abangan ang pagdating ng kanilang Apo Bongbong. 

Dating may pangalan na Don Mariano Marcos ang bayan ng Lambayong bilang pagkilala sa kabayanihan ng lolo ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ipinagmamalaki ng Lambayongeños ang pagiging Ilokano sa Mindanao dahil hanggang ngayon ang mayorya ng salita rito ay Ilokono.

Bukod dito, taglay ng mga Lambayongeños ang angking galing ng mga Ilokono, partikular na sa larangan ng pagtatanim o agrikultura sa malaking bahagi ng Sultan Kudarat na itinuturing na rice granary ng buong probinsiya.

Kasama ni Marcos sa kanyang pagbisita si veteran broadcast journalist Erwin Tulfo, at  UniTeam senatorial bet Jinggoy Estrada.

Mainit ding sinalubong si Marcos ng mga local government officials sa pangunguna nina Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu, dating Sultan Kudarat Governor Sultan Pax Mangudadatu, Cong. Princess Rihan Abdurajak,.

Kasama rin nila si incoming Sultan Kudarat Province Governor Datu Pax Mangudadatu, Lambayong Mayor Ferdinand Agduma, at Lambayong Vice Mayor Francis Eric Recinto at marami pang opisyales ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan naman ni Marcos ang pagpapasinaya sa bagong tayo na Lambayong Municipal Hall kung saan ginanap ang ‘town hall meeting’ sa mga representante ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang personal niya na marinig  ang karaingan at pangangailangan ng mga kababayan sa probinsiya.

Tulad ng naunang ‘town hall meeting’ sa Marikina kamakailan, si Tulfo rin ang nagsilbing moderator na tumagal nang halos isang oras at naka-live stream sa Sonshine Media Network International (SMNI).

“101% ang suporta namin sa inyo.  Ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas,” ani

Lambayong Mayor Ferdinand “Andy” Agduma.

Kaagad pinasalamatan ni Marcos ang mga Lambayongeños dahil sa pagmamahal na ipinakita ng mga ito sa kanya at sa buong UniTeam.

Si Marcos din ang nanguna sa paghikayat sa mga kababayan na kumanta ng happy birthday song para kay President Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-77-taong kaarawan, nitong Lunes, March 28, 2022.

“Napakainit ng ibinigay niyong suporta. Iparinig niyo sa Pilipinas na sa Lambayong buo ang suporta sa UniTeam. Kritikal ang ating mensahe ng pagkakaisa.  Dito sa Lambayong hindi na kailangang magpaliwanag dahil nagkaisa na.  Maraming maraming salamat po,” ani  Marcos.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi pa rin nagpatinag ang mga Lambayangos at matiyagang nag-antay ng buong kaganapan ng programa sa municipal compound.

Ang Lambayong ang nagsilbing modelong komunidad ng mga Christian at Muslim na may maayos na samahan sa isa’t isa, taglay ang magandang kaugalian ng Pinoy na nagdadamayan sa oras ng pangangailangan.

Kung matatandaan, hinihikayat ng pamahalaan ang ilang kababayan na bumalik sa probinsiya upang doon gumawa ng sariling kabuhayan para maiwas na rin ang paglobo ng populasyon sa Metro Manila.

Tulad ng ibang probinsiya sa Mindanao, ang Lambayong ay maraming taglay na likas yaman, partikular na ang matatabang lupa na isang dahilan kung bakit madaling magtanim ng mga gulay at prutas doon.

Nauna nang sinabi ni Marcos na pagkatapos niyang manalo sa darating na eleksyon, ipagpapatuloy niya ang Build, Build, Build program ng Pangulong Duterte at higit pang palalakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglagak ng malaking pondo.

Sa ganoong paraan aniya ay marami rin ang malilikhang trabaho dahil naniniwala rin ang running-mate ni Inday Sara Duterte na malaki ang potensyal ng Mindanao region sa aspeto ng ekonomya.

-30-