UNITEAM GETS SUPPORT FROM MIKE HANOPOL, ARCHIE ALEMANIA, HAGIBIS

23 February 2022

WELL-KNOWN comedian Archie Alemania, some members of the group Hagibis, and even veteran Filipino rock singer Mike Hanopol have joined the ranks of showbiz personalities who support the BBM-Sara UniTeam.

Local artists are increasingly voicing support for presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte.

Alemania, Hagibis members, and veteran rock singer Mike Hanopol headed to the national headquarters and met with Marcos' camp to show their support for his presidential bid.

The personalities offered to perform at UniTeam campaign rallies across the country, with Hanopol offering to sing some of his greatest hits in BBM-Sara UniTeam programs.

Alemania hoped to host the UniTeam program, and Hagibis intended to showcase their talents to BBM-Sara supporters together with other artists.

“We’re here to support Bongbong Marcos for his candidacy, ang ilan sa amin dito ay matagal nang supporters ni BBM, tumulong na sa kanya nu’ng siya ay tumatakbong senador at maging nu’ng kandidato siya pagka-bise presidente,” according to the group.

“Gusto namin tumulong sa BBM-Sara UniTeam, sa ganoong paraan ay maipakita namin ang aming pagmamahal sa bayan dahil naniniwala kami na ang tambalang BBM-Sara ang makakapagtuloy sa magandang nasimulan ni dating president Marcos at sa magaling na pamumuno ni Presidente Duterte,” they added.

It will be recalled that some big personalities in the showbiz industry were also spotted in the campaign rallies of BBM-Sara UniTeam, just like Toni Gonzaga, who hosted the proclamation rally of UniTeam at the Philippine Arena.

Gonzaga sang "Roar" with the lyrics "I got the eye of the tiger, a fighter," while pointing towards Marcos at a UniTeam campaign gathering in Mandaluyong and Ilocos Norte province.

Even "Queen Mother" Karla Estrada is a supporter of BBM-Sara, and so are Aiko Melendez, Roderick Paulate, Dawn Zulueta, Lucy Torres, Randy Santiago, Wency Cornejo, Dulce, and countless more prominent artists.

Famous directors Paul Soriano, Toni Gonzaga's wife, and Darry Yap, known for his unique content videos on social media, are also staunch supporters of UniTeam.

The group said they believe that many more celebrities will express unity and support for the tandem of Marcos and Duterte.

-##-

Photo shows Filipino rock singer Mike Hanopol, actor/comedian Archie Alemania, and other members of song group Hagibis visiting presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.'s National Headquarters and meeting with Marcos' spokesperson and chief of staff Atty. Vic Rodriguez and chief of political affairs former Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Lagdameo Jr.

FILIPINO VERSION

MIKE HANOPOL, ARCHIE ALEMANIA AT HAGIBIS SUPORTADO ANG UNITEAM

DUMAGDAG sa hanay ng mga showbiz personality na sumusuporta sa tambalang BBM-Sara ang kilalang komedyanteng si Archie Alemania, ang ilang miyembro ng grupong Hagibis at maging ang batikang Filipino rock singer na si Mike Hanopol.

Dumarami ang mga artistang nagpapahayag ng kanilang pakikiisa kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kay vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte.

Pumunta si Alemania, ilang miyembro ng Hagibis at ang sikat na rocker na si Hanopol sa national headquarters ng UniTeam at nakipagpulong sa kampo ng dating senador upang magdeklara ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Marcos.

Boluntaryong magpeperform ang mga kilalang celebrities sa mga isasagawang campaign rally ng UniTeam sa ibat-ibang panig ng bansa, nais ni Mike Hanopol na awitin ang ilan sa mga sikat niyang kanta sa mga programa ng BBM-Sara UniTeam.

Gusto naman ni Archie Alemania na maging host sa programa ng UniTeam, habang ang Hagibis ay ipapakita rin ang kanilang talento sa mga supporters ng BBM-Sara gayundin ang ilan pang artist na kasama nila.

“We’re here to support Bongbong Marcos for his candidacy, ang ilan sa amin dito ay matagal nang supporters ni BBM, tumulong na sa kanya nong siya ay tumatakbong senador at maging nu’ng kandidato siya pagka-bise presidente,” sinabi ng grupo.

“Gusto namin tumulong sa BBM-Sara UniTeam, sa ganoong paraan ay maipakita namin ang aming pagmamahal sa bayan dahil naniniwala kami na ang tambalang BBM-Sara ang makakapagtuloy sa magandang nasimulan ng dating president Marcos at sa magaling na pamumuno ni Presidente Duterte,” dagdag pa ng grupo.

Matatandaang ilang mga malalaking personalidad na rin sa industriya ng showbiz ang namataan sa mga campaign rally ng BBM-Sara UniTeam tulad na lamang ni Toni Gonzaga na siyang naging host sa proclamation rally ng UniTeam na ginanap kamakailan sa Philippine Arena.

Naghandog ng awitin si Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam sa Lungsod ng Mandaluyong at Lalawigan ng Ilocos Norte kung saan kinanta niya ang ‘Roar’ na may lyrics na ‘I got the eye of the tiger, fighter’ habang itinuturo si Marcos.

Maging si ‘Queen Mother’ Karla Estrada ay isang BBM-Sara supporter din, nagpahayag din ng suporta si Aiko Melendez, Roderick Paulate, Dawn Zulueta, Lucy Torres, Randy Santiago, Wency Cornejo, Dulce at ilan pang malalaking artista.

Masugid ding supporters ng UniTeam ang mga sikat na direktor na si Paul Soriano na asawa ni Toni Gonzaga at si Darry Yap na kilala sa kanyang mga kakaibang content videos sa social media.

Habang naniniwala naman sila na maraming mga artista pa ang magpapahiwatig ng kanilang pakikiisa at magpapakita ng kanilang suporta sa tambalang Marcos at Duterte. 

-##-