UniTeam assured of victory in Tawi-Tawi

21 March 2022

CONVINCED that the only way for their province and the country to move forward is under the efficient and unifying leadership of presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos and his running-mate Inday Sara Duterte, the provincial leadership of Tawi-Tawi has recently declared its full support for the UniTeam.

The leaders who belong to Tawi-Tawi One Party (TOP) led by Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali made the declaration right at the UniTeam national headquarters in Mandaluyong City during their recent visit when they also held a dialogue with Marcos.

Gov. Sali was joined by 10 mayors, 13 provincial government officials, and several other TOP leaders who extended their full support and pledge to ensure UniTeam’s victory in the province.

"Huwag ka mag-alala nandito ang mga alkalde, mga board members at mga leaders ng probinsya ng Tawi-Tawi para tulungan ka sa iyong kampanya,100% ang suporta namin sa iyo," said Gov. Sali.

"Kung sakaling ‘di ka makapunta sa Tawi-Tawi, kami ang bahala, ikakampanya ka namin," he added.

Marcos thanked Gov. Sali and his fellow officials in expressing their support even as he vowed to provide all the necessary support after they win in the elections to help the province and its people as they strive to recover from the debilitating effects of the pandemic.

"Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito, sa mga mayors, sa mga board members at mga leaders, malaking bagay ang inyong pagsuporta para sa aking kampanya," sabi ni Marcos.

"Sabi niyo sa akin na kahit ‘di na ako kailangan pumunta sa Tawi-Tawi, tingin ko kailangan kasi nandito kayo lahat, kailangan balikan ko ‘yung mga bumisita dito," according to the PFP standard-bearer.

"I'll make sure na makapag-coordinate sa inyo, nakarating na kayo dito sa HQ, kilala niyo na ‘yung mga tao dito, kung kailangan niyo ng tulong just tell us," he added.

After Marcos delivered his speech, Gov. Sali and his colleagues immediately signed Resolution 01-2022 aimed at making Marcos an official candidate of the Tawi-Tawi One Party.

The resolution states that the goal of the BBM-Sara UniTeam is to unite the country for the Filipinos to recover from poverty and achieve progress.

-30-

Caption: presenting to presidential frontrunner Ferdinand ’Bongbong’ Marcos Jr. the resolution declaring him as the official presidential candidate of the Tawi-Tawi One Party (TOP). Joining them are the 10 mayors, 13 provincial government officials and other party leaders.

- 30 -

FILIPINO VERSION

TAWI-TAWI ONE PARTY IBINUHOS ANG SUPORTA SA UNITEAM

MISMONG sa national headquarters ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. idineklara ng Tawi-Tawi One Party (TOP) sa pangunguna ni Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali ang kanilang buong suporta sa BBM-Sara UniTeam.

Personal na pinuntahan ni Gov. Sali kasama ang 10 alkalde, 13 provincial government officials at ng ilan pang lider  ng TOP si Marcos para ipaabot ang kanilang buong suporta at pangako na poprotekhan ang kanilang boto sa lalawigan.

Ayon kay Gob. Sali, todo-buhos ang kanilang suporta para kay Marcos, tutulungan din aniya siya ng mga alkalde at ng mga board member ng lalawigan sa kampanya nito.

"Huwag ka mag-alala nandito ang mga alkalde, mga board members at mga leaders ng probinsya ng Tawi-Tawi para tulungan ka sa iyong kampanya,100% ang suporta namin sa iyo," ayon kay Gob. Sali.

"Kung sakaling ‘di ka makapunta sa Tawi-Tawi, kami ang bahala, ikakampanya ka namin," dagdag pa ng gobernador.

Pinasalamatan naman ni Marcos si Gob. Sali at ang mga kasama niyang opisyal sa pagpapahayag ng kanilang suporta, handa din aniya siyang makipagtulungan sa kanila para sa gagawing kampanya.

"Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito, sa mga mayors, sa mga board members at mga leaders, malaking bagay ang inyong pagsuporta para sa aking kampanya," sabi ni Marcos.

Nangako din siya na bibisitahin niya ang probinsya ng Tawi-Tawi at ibibigay ang lahat ng kailangang tulong para sa mas mabilis na pag-unlad ng lalawigan matapos silang magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

"Sabi niyo sa akin na kahit ‘di na ako kailangan pumunta sa Tawi-Tawi, tingin ko kailangan kasi nandito kayo lahat, kailangan balikan ko ‘yung mga bumisita dito," ayon sa pambato ng PFP.

"I'll make sure na makapag-coordinate sa inyo, nakarating na kayo dito sa HQ, kilala niyo na ‘yung mga tao dito, kung kailangan niyo ng tulong just tell us," dagdag pa niya.

Matapos magbigay ng talumpati ni Marcos, agad namang pinirmahan ni Gob. Sali at ng mga kasamahan nito ang Resolution 01-2022 na layuning gawing opisyal na pambato ng TOP si Marcos.

Napapaloob sa resolution na ang pagkakaisang minimithi ng BBM-Sara UniTeam para sa bansa ang paraan upang ang mga Pilipino ay makabangon muli at makamit ang inaasam na pag-unlad.

- 30 -