TUCP backs Bongbong, Sara in 2022 elections

21 February 2022

The country's largest labor group, the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), has endorsed the candidacy of Presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. and his running-mate Vice-Presidential bet Inday Sara Duterte in the upcoming 2022 national elections.

According to TUCP spokesperson Alan Tanjusay, there was an overwhelming response from their 1.2 million-strong members to support the UniTeam tandem (Marcos Jr. and Duterte) when they held a string of consultation meetings with TUCP members all over the country recently.

"The vote advantage of Mr. Marcos and Ms. Duterte-Carpio and with those four other pair of presidential and vice-presidential aspirants was very wide.  It was an overwhelmingly majority decision in all caucuses held differently in Luzon, Visayas and Mindanao," Tanjusay said.

Tanjusay added that Bongbong and Sara bested the other hopefuls such as the Robredo-Pangilinan, Moreno-Ong, Lacson-Sotto, and the Pacquiao-Atienza tandems.

Meanwhile, TUCP President Raymond Mendoza added that their group would make the formal announcement anytime this week. 

Founded in 1975 by 23 labor federations, it is currently the Philippines' largest alliance of labor federations.  Most of its members come from major industries such as service, agriculture, and manufacturing from Luzon, Visayas, and Mindanao.

The UniTeam, as part of its Covid19 pandemic recovery plan, has pledged to revive the agriculture sector and continue President Rodrigo Duterte's Build, Build, Build infrastructure program to generate jobs and jumpstart the country's economy.

Marcos and Inday Sara consistently appealed to all Filipinos to join in their call for national unity.  The UniTeam tandem believes that creating a unified front amid the problems created by the Covid19 pandemic is the best hope for the country to recover swiftly.

Marcos had reiterated that his message of unity is no longer just a message but has evolved into a movement called “Kilusan ng Pagkakaisa."  He urged every Filipino to join the movement and contribute to nation-building.

The UniTeam's appeal for unity resonates with the Filipino people, as evidenced by their consistent dominance in all pre-election surveys, where they are frequently the top choice of respondents.

-30-

FILIPINO VERSION

UNITEAM ININDORSO NG TUCP

ININDORSO ng pinakamalaking labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at ang running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa nalalapit na May 9, 2022 national elections.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, mismong boses ng mayorya mula sa 1.2 million-strong members ng kanilang samahan ang nagpahayag ng kagustuhang suportahan ang BBM-Sara UniTeam sa nakalipas na consultation meetings nila sa buong bansa.

"The vote advantage of Mr. Marcos and Ms. Duterte-Carpio and with those four other pair of presidential and vice-presidential aspirants was very wide.  It was an overwhelmingly majority decision in all caucuses held differently in Luzon, Visayas and Mindanao," ani Tanjusay.

Idinagdag ni Tanjusay na dinaig ng tambalang Bongbong-Sara ang tiket ng ibang katunggali tulad nina Robredo-Pangilinan, Moreno-Ong, Lacson-Sotto, at Pacquiao-Atienza.

Sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na ang pormal na anunsiyo ay  ihahayag nila sa mga susunod na araw.

Ang TUCP ay itinatag noong taong 1975 at may 23 itong labor federations.

Karamihan sa kanilang miyembro ay mula sa malalaking industriya katulad ng service, agrikultura at manufacturing sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Isa sa isinusulong na programa na Covid19 pandemic recovery plan ng UniTeam ang pagbuhay sa sektor ng agrikultura at ang pagpapatuloy sa Build, Build, Build infrastructure program ng Pangulong Duterte. Ilan ito sa nakikita nilang daan upang makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan at ang pagbangon ng nadiskaril na ekonomya.

Patuloy ang ginagawang panawagan ng BBM-Sara UniTeam para sa pagkakaisa na susi rin anila para sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi ni Marcos na ang panawagan niyang pagkakaisa ay lumalakas na ngayon. Katunayan, isa na itong samahan na kung tawagin ay “Kilusan ng Pagkakaisa."

Ang panawagan ni Marcos sa lahat ng Pilipino para makiisa sa mithiing ito ay patuloy na nakakakuha ng maigting na suporta sa taumbayan na pinapatunayan ng tuloy-tuloy na pag-arangkada ng kanilang tandem ni Mayor Sara sa lahat ng pre-election survey, kung saan milya-milya ang kanilang tinatamong lamang kumpara sa numero ng ibang mga kandidatong pagka-pangulo at pagka-bise presidente.

-30-