Join the campaign (Learn More)

TRANSPORT GROUPS UNITE, RALLY BEHIND A UNIFYING LEADER

Press Releases
20 October 2021

Various sea, air, and land-based transport groups have committed to support the presidential bid of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., who, according to them, is the transport sector’s “Best Bet” in the upcoming 2022 elections.

Heads and other officials of big transport groups met with PFP officials Gen. Thompson Lantion and lawyer Vic Rodriguez, Secretary-General and Executive Vice President, respectively, to discuss integration with the party to formalize their support.

The transport groups included Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO); Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP);  Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); and Tiger in Asia.

“Para sa akin dapat lumingon ka at tingnan ang nakaraan. Tingnan nating ang mga nagawa ni Pres. Marcos. Naniniwala kami na maraming magagawang maganda si BBM para sa bansa. Magtulong-tulong tayo para sa pagbabago dahil siya ang makakapagdala ng unification,” Pasang Masda National President Obet Martin said.

For her part, Liberty De Luna, ACTO national president, lamented that the public transport drivers have been neglected and are still in need of assistance badly amid the continued fight against Covid-19.

De Luna added that a large number of drivers have been forced to beg in the streets because they could not yet resume their trade because the Department of Transportation has yet to reopen all the routes they used to ply.

“Naniniwala kami na si BBM ang may malasakit sa mga drivers and operators,” she said.

Meanwhile, Rodriguez, who is also Marcos’s chief of staff and PFP campaign manager, assured them that while a continuing study is needed to resolve the very complicated problems in the transport sector, the presidential aspirant would come up with a clear and fair policy after extensive consultation with different stakeholders.

###

NEW PFP MEMBERS. Different transport groups committed to support the presidential bid of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. The groups, led by their officials, joined the PFP to signify their support for Marcos and took their oath before the latter last Tuesday. In the photo with Marcos are: Pasang Masda officials, Jojo Martin, Obet Martin (left to right), vice president and national president, respectively.

DIALOGUE WITH TRANSPORT GROUPS. Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. holds a discussion with officials and members of different transport groups who joined the PFP in line with their commitment to support Marcos in the May 2022 presidential elections. The transport groups included Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO); Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP); Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); Tiger in Asia; Binan Federation; Jeepney Federation Binan, and other groups.

###

FILIPINO VERSION: TRANSPORT GROUPS NAGKAISA

SA PAGSULONG NG “UNIFYING LEADER”

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang organisasyon ng mga transportasyong panlupa, pandagat at panghimpapawid sa pagtakbo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo sa May 2022.

Ayon sa mga opisyales ng naturang mga transport groups, si Marcos daw ang kanilang “Best Bet” para sa darating na eleksyon kaya’t nagpamyembro sila sa partido nito para maisa-pormal ang kanilang pagsuporta.

Kabilang sa mga grupo ay ang Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO); Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP);  Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); at Tiger in Asia.

Nakipagpulong ang nasabing mga grupo noong nakaraang linggo kina Gen. Thompson Lantion, PFP secretary-general at kay Atty. Vic Rodriguez, PFP executive vice president para sa kanilang pagsali sa partido.

“Para sa akin dapat lumingon ka at tingnan ang nakaraan. Tingnan natin ang mga nagawa ni Pres. Marcos. Naniniwala kami na maraming magagawang maganda si BBM para sa bansa. Magtulong-tulong tayo para sa pagbabago dahil siya ang makakapagdala ng unification,” sinabi ni Pasang Masda National President Obet Martin.

Naglabas naman ng hinaing si Liberty De Luna, ACTO national president, dahil napabayaan daw ang sector ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan at nangangailangan ng ayuda sa gitna ng patuloy pa ring pandemiya ng Covid19.

Dagdag pa nito na marami pa ring hindi pa muling nabuksan na ruta ng mga dyip at FX  kaya’t marami sa drayber ng mga ito ang napipilitang mamalimos dahil hindi pa sila makapagbyahe ulit.

“Naniniwala kami na si BBM ang may malasakit sa mga drivers and operators,” giit pa ni De Luna.

Sa panig naman ng PFP, sinabi naman ni Rodriguez, na chief of staff din ni Marcos, na masalimuot ang problema ng transport sector kaya’t kailangan itong pagtuunan ng karagdagan pang pag-aaral.

Gayunpaman, tiniyak nito na magbubuo ng malinaw at patas na polisiya si Marcos pagkatapos magsagawa ng malawakang konsultasyon sa mga transport groups at iba pang stakeholders.

###