The Philippine Star (Pang-Masa) : Venue ng inagurasyon n iMarcos, posibleng sa outdoor historical sites

By Gemma Garcia | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Mga outdoor historical sites bilang posibleng venue para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ng kapatid na si Senator Imee Marcos at kabilang dito ang Quirino Grandstand, Fort Santiago, at ang National Museum, bagama’t may kaunti silang pag-aalala sa paggamit sa Quirino Grandstand kung saan nagtayo ng quarantine at isolation facility.

“Ang gusto kasi namin, ang number one criteria sana ay outdoor para hindi na ma-COVID. Kasi we don’t want to expose people because there seems to be an uptick in infections,” pahayag ni Imee.

“Sentimentally, ang gusto ko talaga ay Luneta. Pinagpipilitan namin ang Quirino Grandstand. Kaya lang pansamantalang ospital yata at quarantine doon,” dagdag niya.

Sinabi rin ng senadora na nag-text sa kanya si Manila Mayor Isko Moreno at nag-alok ng tulong para sa preparasyon sakaling Quirino Grandstand ang inagurasyon ni Marcos.

“There’s also the possibility of Fort Santiago na napakagandang backdrop at mas maliit at contained place. Also, apparently, the National Museum because it is the old Senate at may outdoor din daw sa likuran,” aniya pa.

Matatandaang Miyerkules nang iproklama bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas si Marcos matapos ang May 2022 elections.