Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star (Pang-Masa) : Tambalang BBM-Sara nagpakita ng lakas sa mga caravan

News & Interviews
22 November 2021

By Mer Layson (Pang-Masa) | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Nagpakita ng kanilang lakas ang BBM-Sara Uniteam sa pamamagitan ng tinaguriang “caravan para sa pagkakaisa, kapa­yapaan at pag-unlad” sa iba’t ibang lungsod at probinsya sa buong bansa.

Ang serye ng “unity ride” ay pinangunahan ng mga grassroots supporters nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na malawakang nagsimula dakong ika-pito ng umaga na aabot sa mahigit 15 probinsya at mahigit 30 lungsod sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.

Nagkulay pula at berde ang bansa dahil sa serye ng caravan  sa kauna-unahang pagkakataon simula nang ianunsyo ang tambalang Bongbong at Sara.

Sinuyod ng BBM-Sara Uniteam ang Carmen at Tagum city sa Davao del Norte na kinuyog ng aabot sa mahigit 10, 000 supporters.

Libu-libo rin ang dumalo sa caravan sa Ilocos Sur at Norte na kilalang “solid north” at matagal nang sumusuporta sa pamilya Marcos.

Lumahok din sa serye ng motorcade ang mga residente ng mga probinsiya ng Isabela na aabot sa mahigit 15,000. Hindi rin nagpaiwan ang mga taga-Pangasinan, Nueva Ecija, Bataan, Bicol region, Cavite, Batangas, Quezon, Laguna, Metro Manila, kabilang ang Parañaque, Quezon City, Caloocan, Pasay at Maynila.

Bukod sa mga serye ng caravan, kita rin ang lakas ng suporta sa BBM-Sara Uniteam na kapwa naniniwala sa “unifying leadership” dahil sa patuloy nilang pamama­yagpag sa mga survey na isinagawa kamakailan.