The Philippine Star (Pang-Masa) : Tagumpay ng UniTeam sa SJDM tiniyak ni Robes

25 April 2022

By Joy Cantos - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Tiniyak ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang mala­king tagumpay na makakamit nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa Mayo 9.

Malugod na tinanggap ni Robes, kasama ang asawang si SJDM Mayor Arthur Robes si Duterte sa pagbisita nito lamang Sabado para sa kanyang pangangampanya na “Sara para sa Barangay” kung saan sinalubong siya ng mga lokal at sectoral na opis­yal sa Bulacan.

“They will win because in our survey BBM is at 61 percent, Mayor Inday is 53 percent. There is no doubt that they will win because they have the people’s support. You just can feel it and they openly show their support to the Uniteam. More than 80 percent will vote here. They will win overwhelmingly here,” pahayag ni Robes.

Kaugnay nito, nangako na ng suporta sa BBM-Sara UniTeam ang 12 alkalde sa lalawigan ng Bulacan kung saan 13 sa mga ito ang lumagda pa sa manifesto ng kanilang pagsuporta sina Marcos at Duterte.