The Philippine Star (Pang-Masa) : Sandro Marcos, nangunguna pa rin sa Ilocos Norte

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Napanatili ni Sandro Marcos ang kanyang pa­ngunguna sa survey sa pagkakongreso, na pinaboran ng karamihan ng mga res­pondent sa survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD).

Batay sa pinakahuling­ survey, si Ferdinand Alex­ander “Sandro” Marcos, ang anak ni presidential­ frontliner Ferdinand “Bong­­­bong” Marcos Jr. na kan­­didato para sa Ilocos­ Norte-1st district congres­sional seat ay kasalu­ku­yang nangu­nguna sa karera na may 65% voter preference­. Pumangalawa lamang si Ria Fariñas na nakapagtala ng 32% voter preference habang tatlong porsyento ang nananati­ling undecided.

Magugunita na nanguna rin si Sandro sa survey ng RPMD na isinagawa noong Abril 17-21, 2022, na may 62% na voter preference at inaasahang sasabak laban kay Ria Christina Fariñas ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Isinagawa ang survey nang malaya at walang komisyon mula Abril 28 hanggang Mayo 2, 2022 na mayroong 1,000 rehis­tradong botante. Ito ay may margin of error na 3% (+/) at gumamit ng random sam­pling.