Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star (Pang-Masa) : Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko - Marcos

News & Interviews
6 December 2021

By Gemma Garcia - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — “Ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.”

Ito ang sinabi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pinakahuling pagbisita niya sa Cebu, kamakailan kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters ang nagbigay pag-asa na may naghihintay na magandang kinabukasan para sa bansa.

“Talagang masayang-masaya ang pakiramdam namin dahil bukod sa napakasayang mga pagtanggap eh ‘pag pinagsama ninyo ang kulay na­ming pula at berde, Merry Chirstmas na nga talaga,” pahayag ni Marcos.

Naging makulay at makabuluhan aniya ang kanilang Cebu visit dahil bukod sa probinsiyang ito ay pinagtibay ang BBM-Sara UniTeam, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasa­lamuha ang mga pinagpipitagang mga miyem­bro at opisyales ng League of Municipalities.

Naganap ito sa Regional Planning Conference ng mga alkalde sa Region 7 na pawang nagbigay suporta rin sa tambalang BBM-Sara.

Ang mga nagaganap na ‘unity rides’ sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang makasaysayang “Salubong” ng mga taga-norte at timog sa San Juanico Bridge noong November 30, ay nagpapakita ng pagkakaisa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.