Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star (Pang-Masa) : Pag-angat ng BBM-Sara tandem, inaasahan na ng 1Sambayan?

News & Interviews
29 December 2021

By Kokoy Alano - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

IKINADIDISMAYA ng kampo ng mga kalaban ni BBM at Sara ang mga resulta ng survey research ng iba’t ibang tanggapan at lehitimong institusyon. Lumalabas kasi na sa lahat ng sektor ng lipunan mula sa pinakamahirap at mayayaman, may pinag-aralan at mangmang, sa kanayunan at kalunsuran ay aprubado nila ang tandem na BBM-Sara. Sandalan man o hindi ang mga survey reseach results. inspirasyon pa rin ito sa sino mang kandidato ang pinapaboran nito. Tama na naman si Tekla, hahaha!

Pinagsikapan nina Ret. SC Justice Antonio Carpio, Ret. Ombudsman Conchita Carpio Morales, F DepEd Sec. Armin Luistro, Sen. Antonio Trillanes at mga kapanalig nila mula sa maka-kaliwang grupo na lumikha ng nagkakaisang puwersa ng oposisyon, kaya nakipag-ugnayan sila sa kampo nina VP Leni Robredo, Ping Lacson, Manny Pacquiao at Isko Moreno, pero wala ring nangyari dahil sa pansariling ambisyon ng bawat isa sa kanila at sulsol ng mga gustong kumita sa kampanya. Dapat talaga silang magdusa di ba?

Ginawa na nilang “punching bag” at binalahura ang pamilya ni BBM at  pinagkakaisahang siraan at buhayin ang mga lumang isyu ni Ferdinand Marcos pero hindi rin tumalab at lalo pa’ng dumami ang supporters nito kahit sa balwarte ng mga kalaban.  Tila nagsawa na ang tao sa lumang estilo ng paninira sa pulitika, lalo pa nga’t marunong nang mag-research ang mamamayan sa social media. Totoo di ba?

Malayo pa man ang eleksyon, pero mukhang masisira ang galing ng mga kilalang political operators ng mga kalaban ni BBM, at siguradong maraming aatras na “funders” sa kandidato nila, kaya liliit ang kita ng mga kuwago.  Naniniwala kasi ang mga campaign managers nina Ping Lacson, Manny Pacquiao, Isko Moreno at Leni Robredo na “plurality” o ang malaking bahagi ng inatado’ng bilang lamang ng boto ay mananalo na ang kandidato nila. Papaano sila mananalo kung halos 50%  na ang pumapabor sa BBM-Sara tandem? Aba teka, uwian na!

Tampulan na ng biruan ang laban sa pangalawang puwesto nina Leni Robredo at Isko Moreno, samantalang gitgitan din ang laban nina Manny Pacquiao at Ping Lacson sa pang-apat na puwesto. Nagkakapustahan na raw sa barberyahan ngayon ng “winner take all” kung sino ang lalabas na pinaka-kulelat. Naghahanap ng kapustahan si Tekla, baka gusto n’yong pumusta? Joke lang di ba Tekla?