The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos tiyak na makukuha ang 80% na boto sa Leyte

11 April 2022

By Joy Cantos - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na mananalo sa kanyang lalawigan si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr dahil tiyak na makakakuha ito ng 70 hanggang 80 porsyento ng boto.

Ibinahagi ni Petilla na ilang linggo na silang nakikipagkita sa mga residente at mga barangay officials sa iba’t ibang bayan at siyudad upang ipakilala si Marcos.

Pinaalalahan din ni Petilla ang mga taga-suporta ng UniTeam maliban sa pagpapakita ng kanilang suporta kay Marcos ay dapat ipakilala din nila siya sa iba upang mas dumami pa ang susuporta sa kanya.

Aniya, ang pinakaimportante sa lahat at ang pagpunta nila sa mga voting poll upang maiboto si Marcos sa May 9.

Ang iba’t ibang local government officials sa Leyte, mula sa First District hanggang Fifth District ay inendorso na si Marcos sa ginanap na meet at greet sa mga incumbent at aspirants para sa iba’t ibang position sa ilalim ng PDP-Laban Party kung saan si Governor at Energy Secretary Carlos Jericho ‘Icot’ Petilla ang gubernatorial bet.