The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos-Sara malaking boto ang nakuha sa Bulacan

By The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Bilang patunay sa kanyang pahayag, sinabi ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na malaking boto ang ibinigay ng lalawigan ng Bulacan kina President-elect Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Vice Pre­sident-elect Sara Duterte sa nakalipas na May 9, 2022 elections.

Sa kanya lamang lungsod, 65 porsiyento ng boto ang nakuha ni Marcos na malaki ng mahigit 143,000 sa nakuhang boto ni Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 52,000.

Nakakuha naman ng 61 porsiyento si Duterte na mas malaki ng 134,000 sa katunggaling si Senator Tito Sotto na humakot lang ng mahigit 43,000 boto. Sa kanyang naunang pahayag, tiniyak ni Robes na magwawagi ng malaking boto sa kanilang lungsod sina Marcos at Duterte.

Sa buong lalawigan ng Bulacan, 60 porsiyento ang nakamit na boto ni Marcos o kabuuang 1,040,157 na boto.

Sinabi ni Robes na ito ang unang pagkakataon na milyon ang nakuhang boto ng isang tumatakbong pangulo sa lalawigan ng Bulacan.

Humakot naman si Duterte ng 881,722 o 51.5 na porsiyento ng kabuuang bilang ng mga botanteng bumoto para sa bise president sa buong lalawigan.

Nagwagi rin si Robes na nakakuha ng napakala­king kalamangan upang makamit ang ikatlo niyang termino bilang kinatawan sa Kongreso.