The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos isusulong ang ‘mariculture’

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Upang mas matulu­ngan ang mga mangi­ngisdang makabangon muli mula sa pandemya ay planong isulong ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang “mariculture” o marine farming kapag nahalal na susunod na pangulo sa Mayo.

Inihayag ito ni Marcos kamakailan sa isang virtual press conference kasama ang mga lokal na mamamahayag sa Bicol at Western Visayas regions kung saan kanyang inilatag ang mga plano para sa sektor ng agrikultura na isa sa kanyang mga priority program upang makatulong sa mga mangingisda na lubos na naapektuhan ng pandemya.

Ang mariculture o marine farming ay ginagawa na sa ibang parte ng bansa gaya sa Pangasinan, ngunit hindi pa ito lubos na pamilyar sa ibang mga mangingisda.Ito ay ang ang pagsasaka ng isda, shellfish, seaweeds, at iba pang mga organismo sa pamamagitan ng cage farming at sea ranching.

Iginiit ni Marcos na mahalaga ang tulong ng pamahalaan upang mapanatili ang pagi­ging produktibo ng mga ­mangingisda sa ilalim ng nasabing programa.

Binigyang-diin din ni Marcos ang pangangailangang mabigyan ng buong suporta ang mga magsasaka kaya’t sinisiguro niyang ang kanyang unang gagawin kapag siya ang nahalal ay ang pagpapababa ng presyo ng fertilizers at pagbibigay ng technical at material na tulong sa kanila.