The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos-Duterte, Yaokasin, Villar top sa survey sa Tacloban City

17 April 2022

By Joy Cantos - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Nanguna sa pinakahuling survey sa Tacloban City mula sa HKPH- Public Opinion and Research Cen­ter katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang presidente ng bansa, Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte, bise presidente; Jerry “Sambo” Yaokasin bilang mayor at Mark Villar para senador, kung ang halalan ay gaganapin ngayon.

Sa nasabing survey, nakakuha si Marcos Jr. ang 68 porsyento ng boto sa Tacloban City habang ang kanyang running mate na si Duterte ay nakakuha ng 60 percentage score.

Ayon sa “Pulso ng Bayan: Tacloban City 2022” survey, magkakaroon ng bagong alkalde ang Tacloban City kung gaga­napin ang eleksyon ngayon. Mas gusto ng mayorya ng mga botante si incumbent Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin bilang susunod na alkalde ng Tacloban City.

Nakatanggap si Vice Mayor Yaokasin ng 55% ng boto, kumpara sa 43% ni reelectionist Mayor Alfred Romualdez.

Ibunyag din na si da­ting DPWH Secretary Mark Villar naman ang nangungunang kandidato sa pagka senador na may 69.5%, sinundan ni Antique Rep. Loren Legarda (68.3%), broadcaster Raffy Tulfo (66.1%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (65.7%) at actor Robin Padilla (63.2%)

Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula Abril 3-8, 2022, nag-survey sa 1,200 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa lungsod ng Tacloban.