The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos-Duterte, Villar at ACT-CIS angat sa nationwide survey

14 February 2022

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Sa isinagawang nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay angat ang tandem nina presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Z. Duterte. Si Marcos ay nakakuha ng 45.02% na sinundan ni Vice President Leni Robredo, na nakakuha ng 20.6%;Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay pumangatlong puwesto na may 16.25%;ikaapat si Senador Manny Pacquiao-9.79% preference rating, at si Senator Ping Lacson ay 8.00%.

Sa vice-presidential election, 52.05% ang bumoto kay Duterte;Senate President Vicente Sotto III- 35.95%;Senador Francis Pangilinan-6.22%.

Sa labanan ng senador, si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar ang nanguna sa may 63.7%;Sorsogon Governor Chiz Escudero (58.2%), Antique Representative Loren Legarda (57.9%), broadcaster Raffy Tulfo (55.3%), dating House Speaker Alan Cayetano (49.6%) at Sen. Migz Zubiri (46.1%).

Sa partylist ay ang ACT-CIS (9.37%) ang top choice sa mga botante, kasunod ang Ako Bicol (8.21%), 4PS (5.25%), An Waray (4.73%), at Gabriela (4.26%).