Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos, Duterte tandem binaha ng suporta sa Eastern Samar, Leyte

News & Interviews
1 December 2021

By Joy Cantos - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Bumuhos ang suporta sa UniTeam tandem nina dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte nang duma­ting sa Borongan City, Eastern Samar nitong Martes.

Si Marcos, presidential candidate ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at running mate nitong si Lakas-CMD vice presidential aspirant Sara Duterte ay sinalubong sa paliparan nina House Majority Floorleader at Lakas–CMD President Martin Romualdez gayundin ng kapatid nitong si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Ang magkapatid na Romualdez ay pinsan ni Marcos na isinusulong ang kandidatura ng UniTeam.

Hindi naman magkamayaw ang mga supporters ng mga ito  na nakasuot ng kulay berde at pulang damit sa ipinakitang video at mga larawan ng Lakas–CMD.