The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos-Duterte, ratsada sa Tacloban City — survey

21 April 2022

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey sa bayan ng Tingog, Tacloban City ng HKPH-Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong ay pipiliin ng mga botante sina presidential­ aspirant Bongbong Marcos, vice presidential bet Sara Duterte; sa pagka-alkalde ng bayan si Jerry “Sambo” Yaokasin; para vice mayor Edwin Chua at Tingog Partylist.

Nakatanggap ng 68% boto si Marcos; running­ mate na si Sara Duterte ay nakakuha ng 60% suporta. Habang ang tandem­ nina incumbent Vice Mayor­ Yaokasin at dating Vice Mayor Chua ang “preferred choice” ng mga botante.

Batay sa mga resulta ng survey, 90% ng mga botante sa lungsod ay nagnanais ng pagbabago at dito ay naka­tanggap si Yaokasin ng 55% ng boto kumpara sa 43% ni Mayor Alfred Romualdez at inilampaso ni Atty. Edwin Chua na may score na 75% ang kanyang kalaban na si Raymund Romualdez (18%) na bagu­han at walang karanasan sa serbisyo publiko.

Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula Abril 3-8, 2022, nag-survey sa 1,200 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa lungsod ng Tacloban.