The Philippine Star (Pang-Masa) : Marcos-Duterte humataw pa sa Tangere Survey

25 January 2022

By Mer Layson | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Sa isang survey na isinagawa ng research team na Tangere sa buong bansa gamit ang mobile phone interview noong Enero 18-19, 2022 ay humataw ng malaki si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., matapos makakuha ng 57.67 porsyentong preference votes.

Habang si Manila Mayor at presidential aspirant ay nasa mala­yong pangalawa sa nakuhang  16.75 porsyento at nakaungos ito ng isang porsyento kay Leni Robredo na nasa ikatlong pwesto na mayroong 15.08 porsyento. Pang-apat si Panfilo Lacson na mayroong 4.71 por­syento habang pang-lima si Manny Pacquiao na nakakuha ng 4.29 por­syento.

Ang 1.04 porsyento naman ay pinaghatian na ng iba pang mga kandidato. Tinanong ang mga respondents ng “kung ngayon gaganapin ang eleksyon, sino sa mga sumusunod ang iboboto mong pa­ngulo” at pagkatapos ay ibinigay sa kanila ang mga pangalan ng kandidato sa pagka-pangulo na pagpipilian.

Lumabas din sa survey na tatlo sa bawat limang taga-suporta ni Marcos ay nagpahayag na hindi na magbabago sa napiling kandidato at buo ang suporta sa kanya hanggang sa huli.

Sinabi rin sa survey na 83 porsyento ng mga taga-suporta ng running mate ni Bongbong na si Davao Mayor Sara Duterte ay boboto rin sa kanya. Sa naturang bilang, 85 porsyento ay galing sa Northern Luzon, habang 83 por­syento naman ay galing sa Mindanao.

Sa vice presidential race naman, nangunguna pa rin ng malaki si Inday Sara na nakakuha ng 53.17 porsyentong preference votes na sinundan ni Tito Sotto na mayroon lamang 19.42 porsyento. Pangatlosi Willie Ong, na mayroong 15.74 por­syento, sinundan ni Kiko Pangilinan na mayroong 5.96 porsyento, habang ang iba pang natitirang mga kandidato ay naghati-hati sa 2.17 porsyento.