Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star (Pang-Masa) : BBM kwalipikadong tumakbo sa pagka-pangulo

News & Interviews
13 December 2021

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Wala umanong basehan ang mga disqualification case na isinampa kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaya’t kwalipikado itong tumakbong bilang pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Atty. Emma­nuel Samonte Tipon, isang US-based Filipino lawyer at dean ng Northwestern University College of Law na mahina at walang legal na basehan ang pitong petis­yon na isinampa laban kay Marcos Jr.

Iginiit ni Dean Tipon sa kanyang isinulat na opi­nyon na wala umanong kwestiyon na nakasunod si Marcos sa lahat ng requirement na kailangan sa ilalim na Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution na nagsasabing, “No person may be elected President unless he is a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, able to read and write, at least forty years of age on the day of the election, and a resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election”.

Iginiit pa ng abogado na hindi pwedeng ma-disqualify si Marcos sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code (OEC) dahil lamang sa utos ng korte na pagmultahin ito sa hindi pagpa-file ng income tax returns at hindi rin ito maituturing ng krimen na may “moral turpitude”.

Binanggit pa ni Tipon na wala umanong misrepresentation nang sumagot ng “no” si Marcos sa Question 22 ng COC form.