Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star : Marcos nanguna sa Mindanao survey

News & Interviews
1 November 2021

By The Philippine Star

MANILA, Philippines — Sa pinakabagong ipinalabas na datos ng Kalye Survey na isinagawa ng grupo ng mga vloggers sa iba’t ibang lalawigan sa Southern region ay nanguna sa Mindanao si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pinakabagong resulta ng Kalye Surveys na isinagawa ng Bugwak TV sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental, at Surigao City, nakakuha ng mataas na puntos nang pagsang-ayon mula sa working class ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer bilang ibobotong Pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Nilibot ng Bugwak vloggers ang mga lansa­ngan, matataong lugar tulad ng palengke, bus terminal at pasyalan kung saan ipinakita ang mga larawan ng mga kandidato sa pagkapangulo at tinanong ang mga indibidwal kung sino ang pipiliin nila para ibotong susunod na Pangulo ng bansa.

“Pinaka-da Best sa pagka-presidente ng ating nasyon si Bongbong. Kwa­lipikado,” pahayag ng isang natanong na mga kawani ng gobyerno.

“Lahat kami dito, Bongbong. Wala ng iba, Bongbong lang,” ayon naman sa isang security guard na nakatalaga sa ilang pamilihan.

Ayon sa kampo ni Marcos, ang resulta ng Kalye survey ay nagpapatibay at pagpapatunay sa resulta ng isinagawang Presidential Preference Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kamakailan kung saan nakakuha si Marcos ng mataas na 62.5 porsiyento ng boto mula sa respondents sa Mindanao.