The Philippine Star : Laguna execs ‘full force’ sa ‘BBM-Sara’ tandem

12 March 2022

By Joy Cantos | The Philippine Star

SANTA CRUZ, Laguna, Philippines — “Full force” ang mga matataas na opis­yal ng Laguna, isa sa “vote rich” na lalawigan sa bansa sa isinagawang campaign grand rally ng UniTeam candidates na dinaluhan ng kanilang libu-libong sup­porters kahapon.

Pinangunahan ni Partido Demokratiko­ Pilipino-Lakas ng Ba­yan (PDP-Laban) stal­wart Laguna Gov. Ramil Hernandez ang campaign rally para kina Partido Federal ng Pi­li­pinas (PFP) stan­dard-bearer at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) sa Provincial Capitol.

“Akin pong kara­ngalan, na ipakilala sa inyo, President Ferdi­nand Marcos Jr.,” pahayag ni Hernandez sa entablado para sa libu-libong supporters na sumisigaw ng BBM-Sara.

Halos hindi naman magkamayaw ang mga supportets nang ipaki­lala rin ang tinaguriang “Agila ng Davao” na si Sara.

Dumalo rin sa event sina Vice Governor Karen Agapay gayundin ang 18 mayors ng Laguna sa pangu­nguna ni Ma­yors’ League President Edgar Ramos.

Kabilang rin sa mga dumalo ay sina UniTeam­ senatorial slate Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Mark Villar, Migz Zubiri, Harry Roque, Herbert Bautista, Jinggoy Estrada, Gregorio Honasan, Dante Marcoleta, Robin Padilla, Gibo Teodoro, at Larry Gadon.

Samantala, nagsa­gawa rin ng motor­cade ang UniTeam mula sa Biñan­ City patu­ngong Santa Rosa City.

Nauna rito, nag-cour­tesy call kay Hernandez sina Mayor Duterte at Lakas-CMD President House Majo­rity Leader Martin Ro­mualdez ng First District ng Leyte.