The Philippine Star : Comelec target ang ‘hybrid’ presidential debates sa 2022 polls

News & Interviews
15 May 2021

By Danilo Garcia | The Philippine Star

MANILA, Philippines — Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad ng pagsasagawa ng “hybrid” presidential debate sa May 2022 polls bilang pag-iingat pa rin laban sa COVID-19.

“Definitely there will be a presidential debate but then again the question is if it will be face to face or virtual,” saad ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa virtual press briefing.

“I think it would be better if it is hybrid so we could do the face to face but virtual audience,” dagdag pa nito.

Maaalalang taong 2016, nagsagawa ang Comelec katambal ng media partners ng tatlong presidential debates na tinawag na #PiliPinasDebates2016.

Isa pang opsyon ay magpadalo ng mga audience na limitado lamang ang bilang para maipatupad ang ‘physical distancing’ at hindi ma­ging ‘mass gathering’ ang event.