The Philippine Star : Brunei, Italy envoys nag-courtesy call kay Marcos Jr.

By Malou Escudero | The Philippine Star

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap kahapon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., ang mga diplomats mula Brunei at Italy, third batch ng mga envoys na nag-courtesy visit sa kanya bago pa ang pormal na manumpa bilang pang-17 Pangulo ng bansa sa Hunyo 30.

Bumisita sina Brunei Darussalam Ambassador to the Philippines Johariah Wahab at Ita­lian Ambassador to the Phi­lippines Marco Clemente kay Marcos sa headquarters ni BBM sa Mandaluyong City kahapon.

Kumakatawan din si Wahab sa Ambassadors of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kabilang sa mga diplomats na bumisita na kay Marcos ay sina UK Ambassador to the Phi­lippines Laure Beaufils, Singapore Ambassador Gerard Ho, European Union Ambassador Luc Veron, French Ambassador Michele Boccoz, Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, South Korean Ambassador Kim Inchul, Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran, at United States Chargé d’Affaires Heather Variava.