Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star : Bongbong, ginigiba ng CPP/NPA/NDF?

News & Interviews
8 November 2021

By Non Alquitran | The Philippine Star

AKTIBO ang mga kapatid nating pulahan para pigilin na maupo sa Palasyo ang nangungunang presidential aspirant na si dating senador Bongbong Marcos. Kung noong 1986 People Power, kung saan napatalsik si dating President Ferdinand Marcos, ay nanood lang ang mga kapatid nating CPP/NPA/NDF, aba sa ngayon nangunguna silang hadlangan ang nalalapit na pagbalik ng mga Marcos sa Palasyo.

Ang tinutukoy ng mga kosa ko ay ang pagsampa ng “Petition to Cancel or Deny Due Course the Certificate of Candidacy” ni Gng. Fides M. Lim, ng grupong Kapatid, na nangunguna sa pangangalaga sa pagtatanggol sa mga pamilya at kaibigang political prisoners sa bansa. Maanghang ang mga binitiwang salita ni Gng. Lim sa kanyang petition, kaya lang ang napansin ng mga kosa ko na nagmukha siyang propagandista laban sa pamilyang Marcos. Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaaa!

Sino si Gng. Fides M. Lim? ‘Yan ang katanungan na pumasok sa isipan ng mga Pinoy matapos maghain ito ng petition laban kay Bongbong Marcos sa Comelec noong Nob. 2. Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na si Gng. Lim ay asawa ni Victor Ladlad, na isang consultant ng National Democratic Front (NDF). Hindi political prisoner si Ladlad dahil isang criminal case na illegal possession of firearms ang isinampa laban sa kanya dahil nahulihan siya ng matataas na kalibre na armas, anang mga kosa ko.

Naaresto si Ladlad noong Nov. 8, 2018. Kaya siguro nagsampa ng petition si Gng. Lim laban kay BBM para maging relevant pa ang mga kapatid nating komunista na paunti-unting nalulusaw na ang kredibilidad sa panahon ni President Digong. Ilang lider na ng kilusan ang napatay sa engkuwentro laban sa sandatahang lakas ng gobyerno, at ang huli ay si George Madlos, kaya ibang estratehiya naman ang iniumang ng mga kapatid natin para mapansin, di ba mga kosa? At ‘yan nga ay ang siraan ang pamilya Marcos. Hihihi! Bumenta na ‘yan ‘Te. Ibang kembot naman! Mismooooo! Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, wala naman talagang tax evasion case na isinampa laban kay BBM. Ang naikaso lamang sa kanya ay ang hindi pagkaka-file ng Income Tax Return na nai-settle rin agad nang mabayaran niya ang multa na ipinataw ng Court of Appeals. Itong kaso ay hindi naman matawag na «crime of moral turpitude.»

At malinaw ang nakalagay sa Section 12 ng Omnibus Election Code na maaari lamang ma-disqualify ang isang kandidato o tao na nasintensiyahan na may parusang mahigit 18 buwan na pagkakakulong. Hihihi! Parang alam na ang magiging ending ng petition ni Gng. Lim, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kaya lang ipaubaya natin sa Comelec na rebisahin ang petition ni Gng. Lim at antayin natin ang magiging desisyon ng poll body. Ang napuna lang ng mga kosa ko, habang sinisiraan si BBM, lalong bumubulusok paitaas ang kanyang survey rating. Sawa na ang mga Pinoy sa biradang anti-Marcos? Dipugaaaaa! Abangan!