The Philippine Star : BBM-Sara tandem pinili ng Workers Union

22 February 2022

By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na bumubuhos ang suporta kina UniTeam standard bearers Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte matapos na piliin ang mga ito ng unyon ng mga manggagawa kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election sa bansa.

Ito’y matapos ang serye ng konsultasyon sa buong bansa na isinagawa ng pinakamalaking grupo ng organisasyon ng mga manggagawa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), rank-and –file workers sa lahat ng industriya.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, ang BBM-Sara tandem ang choice ng mga manggagawa para ihalal na Presidente at Bise Presidente sa darating na halalan.

Ang BBM-Sara tandem, ayon pa kay Tanjusay ang susuportahan ng hanay ng mga manggagawa dahilan ang dalawa ang pinaniniwalaan ng mga itong susunod na lider na mag-aahon sa Pilipinas sa pandemya.

Inihayag naman ni TUCP President at TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na sektor ng mga manggagawa ay magsasagawa ng pormal na pag-iindorso kina Marcos at Duterte sa linggong ito gayundin sa listahan ng mga senatorial candidates na napili ng mga itong suportahan.

Nabatid pa na ang pagpili ng samahan ng mga manggagawa sa tandem nina Marcos at Duterte ay desisyon ng mayorya sa organisasyon ng mala­king grupo ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa malalaking industriya tulad sa agrikultura, manufacturing sectors at iba pa sa Luzon, Visayas at Mindanao.

BBM-Sara tandem pinili ng Workers Union

Joy Cantos