The Philippine Star : BBM inindorso ng MPM sa pagkapangulo sa 2022

News & Interviews
28 September 2021

By Doris Franche | The Philippine Star

MANILA, Philippines — Pormal nang inindorso sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Maunlad na Pilipinas Movement (MPM) si dating Senador Bongbong Marcos para sa pagka-Pangulo sa darating na halalan sa 2022.

Ayon kay Lylani Galvadores, bise presidente ng grupo, napagdesisyunan ng MPM na suportahan si Marcos matapos pag-aralan ang kwalipikasyon at  mahusay na track record at agenda para sa lipunan.

Sinang-ayunan naman ito ng lahat ng opisyal at coordinators sa pangunguna nina Ferdie Pasion at Marcial Laristan mula sa hanay ng PWD Sector.

Lubos naman ang pasasalamat si Marcos sa buong suporta at tiwala ng MPM sa kanya at kasabay ng kanyang pagbati sa unang anibersaryo ng Kilusan. 

Sinabi ng tagapagtatag ng grupo at tagapangulo ng MPM na si Gary Dela Paz, karamihan sa kanilang volunteer coordinators ay hindi mga tradisyonal na pro-Marcos.

Aniya, ang isa sa kanilang provincial coordinator sa Camarines Sur ay dating tauhan ng yumaong kalihim ng DILG na si Jesse Robredo.

Sa kabuuan, ang MPM ay may 225,000 na pawang hindi tradisyonal na pro-Marcos at may 93 chapters at patuloy na nadaragdagan ng mga boluntaryong indibiduwal at mga grupo mula sa ibat-ibang sektor na nakikiisa sa layunin ng MPM para isulong na maging pangulo si Marcos.