Join the campaign (Learn More)

The Philippine Star : BBM ‘best bet’ sa 2022 — survey

News & Interviews
25 October 2021

By Mer Laysoneva | The Philippine Star

MANILA, Philippines — Sumang-ayon ang maraming Pinoy sa pagka-pangulo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., batay sa resulta sa unang dalawang linggo ng Oktubre na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Biyernes.

Sa inilabas na resulta ng PUBLiCUS Pahayag survey, nakatanggap si Marcos ng napakalaking pagsang-ayon sa respondents mula sa mga pa­ngunahing lugar sa bansa para maging susunod na Pangulo sa halalan sa Mayo 2022. Sa National Capital Region, nakakuha si Marcos ng 40% na pagsang-ayon habang dominante siya sa North at Central Luzon na may 55.7%. Nakakuha rin siya ng 38.2% sa South Luzon, habang naitala ang 44.7% para sa kanya sa Visayas. Sa Mindanao naman ay naitala ang kanyang pinakamalaking puntos na 62.5%.

Si Marcos, na nagsusulong ng mapagkaisang pamumuno sa bansa, ay nakakuha sa kabuuang pagpulso para sa pagkapangulo ng 49.3% kumpara sa kanyang mga katunggali na sina Leni Robredo, na may 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%.

Ang pangunguna ni Marcos sa presidential race survey ng PUBLICUS Asia ay may pagkakatulad sa mga resulta sa isinagawa naman ng laganap na Kalye Surveys sa mga vlog at online mula Oktubre 1 hanggang 11 na kung saan sa kabuuang 2,137 respondents ay 1,307 ang pumili dito para maging pangulo ng bansa.