The Philippine Star - 2022 elections tuloy kahit may pandemya – Imee

News & Interviews
21 January 2021

By Gemma Garcia | The Philippine Star

MANILA, Philippines — Siniguro ni Sen. Imee Marcos na tuloy pa rin ang national at local elections sa 2022 sa kabila ng pagpapaliban nito sa ibang mga bansa ng mga nakaraang taon dahil sa banta ng pandemya.

Ayon kay Marcos, dapat na maghanap ng tama at kaukulang pandemic-related measures para matiyak na ligtas para sa mga botante at poll watchers ang eleksyon.

Nitong January 19 lang, nakapagtala ang International Foundation for Election Systems ng 116 eleksyon na ipinagpali-ban sa 69 bansa at walong teritoryo dahil sa paglaganap ng Covid-19.

Ang Australia, Canada, Germany, Hong Kong SAR, at UK ang ilan sa mga bansang nagdesis­yong ipagpaliban ang lokal, municipal o legislative elections nitong nagdaang taon at iniskedyul nilang ituloy ngayong 2021.

Giit ni Marcos, dapat na magsikap ang Pilipinas na maging katulad ng South Korea na nagtagumpay noong Abril sa pagsasagawa ng ligtas na eleksyon kahit lumaki pa ang bilang ng kanilang mga botante.