Tens of thousands brave heavy rains; stay with BBM, UniTeam during Mindanao rallies

29 March 2022

THE people of Mindanao have shown their commitment and support for presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos and the UniTeam, when they stayed amid a heavy downpour to greet and get a glimpse of him during the second day of the ticket’s scheduled rallies in the region.

In Sultan Kudarat, despite not having a scheduled caravan, tens of thousands still lined up on the streets wearing their red shirts while holding their tarpaulins proclaiming their support for him while loudly playing his campaign theme song "Bagong Lipunan".

In a chance interview, Marcos, the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard- bearer described the reception of the Mindanaoans as “exceptional and one of a kind”, after he saw the people’s warm welcome for him and his running mate Inday Sara Duterte despite the harsh weather.

"Napakaganda ng response ng tao, kahit umuulan ay hindi umaalis at tuloy- tuloy ang pagsalubong sa aming UniTeam, kay Inday Sara at sa akin, napakaingay masyado, nakakatuwa talaga," he exclaimed.

He narrated that Mindanaoans are close to his heart as he has some relatives who reside in Davao and in Sultan Kudarat, the main reason why he always feels at home whenever he goes to the said provinces.

"Malapit sa akin ang Mindanaoan, alam niyo lolo ko tumira sa Davao, kaya marami kaming kamag-anak dito, maraming Ilocano dito kaya naman kapag pumupunta ako dito lalo na sa Sultan Kudarat parang umuwi lang ako ng Ilocos," he said.

Marcos told the UniTeam supporters that they still have a lot of work to do and vowed to uplift the lives of poor Filipinos after he is elected in the scheduled May 9 elections.

"Hindi pa tapos, marami pa tayong gagawin, huwag tayong titigil hangga’t tayo ay magtagumpay at magawa ang pangarap nating mapagkaisa ang Pilipinas," he said.

"Kailangan huwag nating pabayaan ang taong bayan kung anuman ang ating hangarin para sa tao, kung tayo ay mabigyan ng pagkakataon ay kailangan magbunga ang lahat ng ito," he added.

Overall, the UniTeam’s sorties in different provinces were hugely successful despite the inclement weather.

He made courtesy calls to different local leaders and officials like Mayor Ronnel Rivera of General Santos, Gov. Nancy Catamco of North Cotabato, Gov. Bai Marriam Mangudadatu of Maguindanao, and Gov. Suharto Mangudadatu of Sultan Kudarat where he presided in the inauguration of their Lambayong City Hall.

Marcos also received messages of support and endorsements from various sectors.

More than 300 doctors who called themselves UniTeaMD also expressed support for their candidacies.

All local officials who met with them were confident that the BBM- Sara tandem will win their respective candidacies even as they believed that the duo is the leader best fit to lead the country in the next six years.

-30-

Caption: Photos show presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. waving his hand to UniTeam supporters at the Sultan Kudarat Capitol grounds during the BBM-Sara UniTeam grand rally held on March 28, 2022. According  to the organizers, more than 100,000 people attended the phenomenal event.
 
The latest Laylo Report covering its fieldwork survey research conducted from March 15 to 22, 2022, shows Marcos receiving an insurmountable 68% presidential preference rating in Mindanao.

- 30 -

FILIPINO VERSION

MGA MINDANAOAN HINDI INIWAN ANG UNITEAM SA GITNA NG MALAKAS NA ULAN

WALANG dudang mahal na mahal ng mga Mindanaoan si presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. dahil kahit "rain or shine" ay hindi sila nagpatinag at matiyagang naghintay sa kalsada para makita siya at sa pagdarausan ng BBM-Sara UniTeam rally.

Hindi naging hadlang ang lakas ng ulan para sa mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam, at umaga pa lang ay inaabangan na nila ang pagdating ng kanilang future president.

Daan-daang libo ang nakibahagi sa BBM-Sara UniTeam rally, at kahit hindi nagkaroon ng caravan ay may mga tao pa ring nag-abang sa mga kalsada dala ang tarpaulin at nakasuot ng pulang damit, may mga malalaking speaker din ang nakahanda sa mga daanan na tugtog ang "Bagong Lipunan".

Sabi pa ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanyang ambush interview ng SMNI ay kakaiba ang pagtanggap ng mga Mindanaon dahil hindi naging sagabal ang lakas ng ulan at hindi umalis ang mga tao at mainit silang tinanggap ni Inday Sara at ibang miyembro ng UniTeam.

"Napakaganda ng response ng tao, kahit umuulan ay hindi umaalis at tuloy- tuloy ang pagsalubong sa aming UniTeam, kay Inday Sara at sa akin, napakaingay masyado, nakakatuwa masyado" sabi ng pambato ng PFP.

Dagdag pa niya na malapit ang Mindanaoan sa kanya dahil may mga kamag-anak siyang tumira sa Davao lalo na sa lalawigan ng Sultan Kudarat kaya umano kapag nagpupunta siya sa lugar ay parang umuuwi siya ng Ilocos Norte.

"Malapit sa akin ang Mindanaoan, alam niyo lolo ko tumira sa Davao, kaya marami kaming kamag-anak dito, maraming Ilocano dito kaya naman kapag pumupunta ako dito lalo na sa Sultan Kudarat parang umuwi lang ako ng Ilocos." dagdag pa ni Marcos.

Habang pinaalalahan din ng dating senador ang kanyang mga supporters na hindi pa tapos ang kanyang ginagawa, marami pang kailangang gawin at nangakong hindi pababayaan ang taong bayan kung sakaling maging pangulo ng bansa.

"Hindi pa tapos, marami pa tayong gagawin, huwag tayong titigil hanggat tayo ay magtagumpay at magawa ang pangarap nating mapagkaisa ang Pilipinas" ayon sa kanya.

"Kailangan huwag nating pabayaan ang taong bayan kung anuman ang ating hangarin para sa tao, kung tayo ay mabigyan ng pagkakataon ay kailangan magbunga ang kahat ng ito." dagdag pa niya.

Hindi man naging maganda ang panahon, matagumpay naman ang pagbisita ni Marcos sa ibat-ibang lalawigan ng Mindanao, sa Gensan nagkaroon siya ng courtesy call kay Mayor Ronnel Rivera at nakipagpulong sa grupo ng mga doktor na "uniteaMD".

Sa Polomok at Koronadal, South Cotabato dinagsa rin ang UniTeam kasama ni Marcos si Davao City Vice Mayor Sebatian "Baste" Duterte at Gov. Jun Tamayo.

Sa North Cotabato naman ay nagkaroon din ng courtesy call si Marcos kay Gov. Nancy Catamco at nagtalumpati din sa UniTeam rally kasama ang mag-asawang Inday Sara Duterte at Mans Carpio na dinaluhan din ng libo-libong UniTeam supporters.

Sa lalawigan ni Gov. Bai Marriam Mangudadatu sa Maguindanao hindi din nagpatinag ang mga supporters sa lakas ng ulan.

Huling pinuntahan ni Marcos ang Sultan Kudarat kasama si Gov. Suharto Mangudadatu, mula sa pagpapasinaya ng bagong City Hall ng Lambayong hanggang sa provincial capitol walang patid ang suportang ipinakita ng mga tao, lumusong sa putikan, nagpabasa sa ulan para kay Marcos.

Halos magkakatulad naman ng sinabi ng mga opisyal sa mga lugar na pinuntahan ng BBM-Sara UniTeam, anila sigurado na ang panalo ng tambalang BBM-Sara at sila na ang susunod na mga lider ng Pilipinas.

-30-