SWS survey: Marcos gains, maintains overwhelming lead over other candidates

11 February 2022

BARELY 11 weeks before the Filipino voters decide who would be the country’s next leader, polling firm Social Weather Station (SWS) came out with its latest survey results showing presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. still dominating the ratings and stamping his mark on the presidential race towards the May 2022 elections.

The latest SWS commissioned survey conducted from January 28 to 31 showed that Marcos enjoys a firm grip on the top spot and has even gained +7% net after increasing his numbers from 43% in October 2021 to 50% in January 2022.

At far second is Leni Robredo, who has only 19% to show, Francisco Domagoso Moreno and Manny Pacquiao were tied for 3rd and 4th respectively with 11% each, while Panfilo Lacson has 6%.

The rest of the presidential bets are lagging at the tail-end and struggling to gain respectable numbers.

Robredo recorded 20% in October but plunged down to 19% in January, which reflected a -1% fall.

In another SWS survey, Robredo’s net satisfaction rating also dropped drastically from 24% to just 1%, the lowest among government officials.

Considering the margin of error, it is understandable that there have been minimal changes in the results of the ratings of all the presidential candidates regardless of the movement of their respective numbers.

Political analysts said that Marcos’ numbers reflect strong ground support, “which seems unshakable in the run-off to the May elections.”

All reputable survey firms have recorded similar trends, but at least a couple of poll results from independent groups – Laylo Research Strategies and Tangere – showed that Marcos is even leading in Robredo’s traditional bailiwick, the Bicol Region.

Laylo’s result in Bicol from its January 2022 survey had Marcos leading with 51% as compared to Robredo’s 33%.

Marcos actually padded his lead from its November 2021 survey in the region, where he registered 45% against Robredo’s 29%.

Meanwhile, in a January 2022 survey conducted by Tangere, the country’s biggest online market research panel, Marcos led all presidential candidates in Bicol with 45.27% voters’ preference as compared to Robredo’s 25.57%.

Results from the nationwide Kalye Survey results put Marcos on top with his 60.30 percent, while Robredo barely scratched the surface with her 9.77%.

-30-

FILIPINO VERSION

 SWS SURVEY: LAMANG NI MARCOS LALONG LUMALAKI

HALOS 11 linggo na lang bago piliin ng taumbayan ang susunod na pangulo ng bansa, naglabas ng pinakabagong resulta ng survey ang Social Weather Station (SWS) kung saan ay patuloy pa rin ang pangunguna ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos magtala ng napakataas na numero kumpara sa kanyang mga katunggali.

Lumitaw sa survey na kinomisyon noong Enero 28 hanggang 31, na mahigpit ang pagkakapit ng numero ni Marcos sa top spot dahil umangat pa ito ng pitong porsiyento mula sa 43% noong October 2021 ay 50% na ito ngayong Enero.

Malayong nakasunod sa kanya si Leni Robredo na mayroon lamang 19%, samantalang sina Isko Moreno at Manny Pacquiao ay tabla sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa tig-11%,  kasunod si Ping Lacson na mayroon namang anim na porsyento.

Ang iba pang presidential bets na nasa pinakabuntot ng listahan ay naghati-hati sa natitirang tatlong porsyento. 

Kung matatandaan, si Leni ay nakapagtala ng 20% sa SWS survey noong Oktubre, ngunit naging 19% lamang noong Enero ngayong taon.

Kaugnay nito, malaki rin ang ibinagsak ng net satisfaction rating ni Leni sa isa pang survey na ginawa ng SWS para sa mga government officials dahil ang dating +24% nito ay +1% na lang. Ibig sabihin, 23% ang naging pagbulusok ng numero ni Robredo.

Kung pag-uusapan ang margin of error, maaaring bahagya lamang ang igagalaw ng mga naglabasang numero.

Dahil dito, maraming political analyst ang naniniwalang sobrang tibay na ng mga natatamong numero ni Marcos mula sa mga botanteng mamamayan.

Kapansin-pansin din ang malaking kalamangan ni Marcos kumpara sa mga kapwa presidential bets kung titingnan ang resulta ng survey ng mga independent groups na Laylo Research Strategies at ng Tangere, maging ang lumabas na numero sa Bicol region na balwarte sana ni Robredo.

Sa resulta ng Laylo sa Bicol Region noong January 2022, si Marcos ay 51% kumpara sa 33% ni Leni.

Malaki rin ang kalamangan ni Marcos sa Bicol noong November 2021 survey dahil ang nakuha nito ay 45%, samantalang si Leni ay 29%.

Samantala, sa Tangere survey noong January 2022, si Marcos ay nanguna rin sa Bicol province survey sa 45.27% kumpara sa 25.57% na nakuha ni Leni.

Ang Tangere ang pinakamalaking online market research panel sa bansa at ang Bicol naman na kahit itinuturing na balwarte ni Leni, ay naungusan pa rin ni Marcos.

Sa resulta naman ng Kalye Survey, una rin si Marcos sa nakuha niyang 60.30 percent, habang malayo ring nakasunod si Leni na may kulelat na 9.77%.

-30-