Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Publiko, hinimok ni Davao City Mayor Sara Duterte na protektahan si Bongbong Marcos

News & Interviews
22 November 2021

By Alava Castillon | SMNI News

NANAWAGAN si Davao City Mayor at Vice-presidential aspirant Sara Duterte sa publiko na protektahan si Presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sina Duterte at Marcos ang magkatambal sa paparating na 2022 general elections o ang BBM-Sara tandem.

Sa isang mensahe sa Tagum City, ang protektahan si BBM ang pinaka-magagawa ng mga supporter para sa kanilang presidentiable.

“Kailangan nating protektahan ang ating pag-suporta. Protektahan natin ang ating kandidato. Protektahan natin si BBM,” saad ni Mayor Sara.

Sa ngayon ay may limang nakabinbing petisyon sa Commission on Elections- lahat para pigilan si Marcos sa kanyang pagtakbong pangulo.

Diin ni Mayor Sara na hindi dapat ihinto ang pagsuporta sa BBM-Sara tandem, at tiyakin na makaboboto ang lahat at protektahan ang kanilang mga boto para magkaroon ng Marcos-Duterte sa 2022.