Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Motorcade nina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte sa Quezon City, binaha ng supporters

News & Interviews
8 December 2021

By Alava Castillon | SMNI News

BUMAHA ang supporters nina Presidential Aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte sa kanilang motorcade ngayong araw sa Quezon City.

Sumugod ang mga supporter kaninang umaga sa motorcade nina Presidential at Vice-Presidential Aspirant Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte.

Di alintana ang init ng panahon, ang mga taga Quezon City- masayang sinalubong ang BBM-Sara tandem.

Mula Quezon City Circle, lagpas ng Sandiganbayan at COA ang kumpulan ng mga tao.

Dahil sa dami ng supporters, sumikip ang dalawang lane ng Commonwealth Avenue.

Nakabagal rin sa motorcade ang pagsabay ng mga tao sa sasakyan ng mga bidang aspirant.

Ang Malayang Quezon City katuwang ang Mayoral aspirant na si Mike Defensor ang organizer ng motorcade.

“Totoo, more than what we expected, talagang napakarami ng tao at hindi lang sa madaming tao pero talagang nakita niyo naman napakainit ng pagtanggap kay Bongbong Marcos at kay Inday Sara. At ako sa nakikita ko talagang grabe kanina yung daloy ng trapik- napakadaming tao,”ayon kay Rep. Mike Defensor.