SMNI News : Mga taga suporta ni BBM sa Cebu City, nagmartsa patungong Comelec

18 November 2021

By Alava Castillon | SMNI News

NAGMARTSA patungong Commission on Election (Comelec) ang mga taga suporta ni Presidential aspirant former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cebu City.

Mula Plaza Independencia papunta sa tanggapan ng Comelec Visayas nagmartsa ang mga taga suporta ng Hugpong para kay BBM upang ipanawagan ang patas na desisyon hingil sa disqualification case ni Bongbong Marcos.

Kasama ang iba’t-iba pang grupo ng mga taga suporta ni BBM at Sara, nagsindi ito ng mga kandila bilang simbolo ng kanilang petisyon.