SMNI News : Mga petisyon laban kay Bongbong Marcos, maaari nang ibasura ng Comelec -Roque

3 February 2022

By Alava Castillon | SMNI News

IPINALIWANAG ng law expert at senatorial aspirant Harry Roque kung bakit sa tingin niya ay mababasura na ang mga petisyon na nakabimbin ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) para pigilan ang pagtakbong Pangulo ni presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM).

Ngayong araw ay retirado na bilang COMELEC Commissioner si Rowena Guanzon.

Lumikha ng ingay sa Guanzon isang linggo bago ito nagretiro dahil sa pagpabor nito na ma-disqualify si Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Inaway din ni Guanzon ang dati niyang kasama sa COMELEC 1st Division na si Commissioner Aimee Ferolino dahil hindi agad nakapagpalabas ng desisyon sa disqualification cases ni BBM.

Kaya ngayong wala na si Guanzon at si Commissioner Socorro Inting na ang magiging Presiding Chair ng Division 1, idinetalye ng isang eksperto sa batas kung bakit sa tingin nito ay mababasura nang tuluyan ang mga petisyon.

“Well mukha pong magiging unanimous na yung botohan na ibasura yung DQ petition, bakit? Eh kasi po si Commissioner Inting eh siya rin po yung nagsulat, nag ponensya o siyang nagsulat ng desisyon doon sa DQ case ni Apo Bongbong doon po sa 2nd division,”ayon kay Atty. Harry Roque.

Diin ni Roque na dahil ibinasura ng 2nd division ang mga petisyon laban kay Marcos, asahan na rin aniya na ‘yan din ang magiging pasya ngayon ng 1st division.

“So dahil pareha po’ng isyu syempre hindi naman pupwedeng mag-iba ng opinyon si Commissioner Inting no? So inaasahan po natin na pagdating dito sa 1st division dahil unanimous po ang magiging desisyon ay magkakaroon ng majority opinion na walang desenting opinion,”saad ni Roque.