Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Bongbong Marcos, nag-negatibo sa drug test

News & Interviews
23 November 2021

By Alava Castillon | SMNI News

NAG-NEGATIBO sa drug test si Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ito ang kinumpirma ng kanyang kampo matapos sumailalim at nag-negatibo sa drug test sa isang ospital sa Metro Manila at maisumite ang resulta sa NBI at PDEA.

Ginawa ni BBM ang hakbang matapos magparinig si Pangulong Duterte na may presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Ani BBM, hindi niya iniisip na siya ang pinapatamaan ng pangulo pero sumalang pa rin ito sa drug test para malinaw ang lahat.

Diin din nito na mananatili siyang kontra sa paggamit ng iligal na droga at ikakampanya ang pagsawata nito.

Hinamon naman nito ang iba pang aspirants na magpa-drug test para matiyak na ang mga mahahalal ay hindi gumagamit ng iligal na droga.