Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Bongbong Marcos, kampante na makatatakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections

News & Interviews
16 November 2021

By MJ Mondejar | SMNI News

KUMPIYANSA ang kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos na mababasura lamang ang petisyong nakasampa laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec) para pigilan ang pagtakbo nitong pangulo sa 2022 elections.

Sisimulan na ng Comelec ang pagdinig sa election protest laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa Comelec, ngayong Nobyembre 26 ang simula ng preliminary conference sa kaso na layong kanselahin ang certificate of candidacy ni BBM sa presidential race.

Pero sa kabila nito, tiwala si Marcos na ‘eligible’ siyang tumakbo sa pagkapangulo.

Sa isang pahayag, giit ni BBM na ‘nuisance’ at ‘walang kwenta’ ang reklamo.

“I’ve personally seen the documents for our defense and I’ve personally discussed them with our legal team who, along with some reputable and respectable legal experts, concluded without doubt that the petition to delist my name from the roster of applicants for the presidency is without merit and has no legal basis,” pahayag ni Marcos.

“Nag-isyu ng statement si presidential aspirant Bongbong Marcos ngayong araw at kanyang binasang personal at masusing inaral yung basurang petisyon. And with our legal team and a lot of legal experts onboard at nakita namin na basura yung petisyon,” pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff ni Marcos.

Ayon sa petitioners, napagdesisyunan na noon ng QC Regional Trial Court Branch 105 na guilty beyond reasonable doubt si Bongbong dahil sa kabiguang maghain ng income tax returns at magbayad ng buwis taong 1982-1985.

Aniya, “moral turpitude” ito o mga gawaing kontra sa integridad, katapatan, moralidad o tamang asal.

Sinentensyahan si Marcos ng 9 na taong pagkakakulong at pinagmulta para sa paglabag ng Sections 45 at at 50 ng National Internal Revenue Code.

Pero kahit kinatigan ng Court of Appeals ang naunang guilty verdict, hindi nakulong si Bongbong at pinagmumulta na lang.

Ayon kay Rodriguez, walang jurisdiction dito ang Comelec kaya nararapat lamang i-dismiss kaagad ang petisyon.

“Dapat i-dismiss agad ang petisyon dahil wala itong jurisdiction alam dapat ni Justice Carpio yan. And there is also no reason or ground, the Comelec has no authority to pass upon more so annul and review the decision of the court of appeals alam din dapat ni Justice Carpio yan. Ang binibintang nila ay hindi ho tax evasion kung hindi mere non filing of the income tax return. Magkaibang-magkaiba yun at alam din dapat ni Justice Carpio yan,” ayon kay Rodriguez.

Diin din nito na maraming abogado ang handang dumipensa kay BBM sa kaso.

“Oh they don’t want their names to be mentioned. But I tell you the moment that this trust petition was filed siguro walang exaggeration mga 500 abogado ang nag-signify ng kanilang boluntaryong serbisyo na ipagtanggol si Bongbong Marcos sa basurang kasong ito,” ayon pa ni Rodriguez.

Sa ngayon ay binubuo na ni BBM ang kanyang senatorial line up.

Nais din nitong makatambal si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bise presidente.

Pinag-aaralan din nila na isama sa senatorial line up si Pangulong Duterte.

Kamakailan, nanguna si BBM sa presidential survey ng SWS matapos makakuha ng 47%.

Malayo kumpara sa nakuhang 18% ni VP Robredo, 13% ni Isko Moreno, 9% ni Manny Pacquiao at tig-5% nina Ping Lacson at Bato dela Rosa.

“Mulat na ang taumbayan at hindi na tinatanggap at isinusuka na yung old yellow political narrative,” dagdag ni Rodriguez.