Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Bongbong Marcos, humingi ng paumanhin matapos hindi makadalo sa Comelec hearing

News & Interviews
8 January 2022

By Alava Castillon | SMNI News

HUMINGI ng dispensa si Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos hindi makadalo kahapon sa preliminary conference ng kaniyang disqualification cases sa Comelec.

Kahapon, ang unang hearing ng Comelec laban sa kandidatura ni Marcos sa pagka-pangulo sa paparating na eleksyon.

Kaya sa pagdinig kahapon, nag-init ang ulo ng Comelec.

“Why don’t you ask your client to go on zoom? Even if he’s on isolation he can have a laptop? Have you spoken with your client today?”ayon kay Commissioner Rowena Guanzon.

Paliwanag naman ng kampo ni Marcos, nasa isolation ito ngayon matapos magkaroon ng close contact sa isang COVID positive.

Ayon naman kay Comelec Spokesman James Jimenez, masama talaga ang pakiramdam ni Marcos.

Mabigat ang katawan, may lagnat at makating lalamunan ang nararamdaman ngayon ng aspirant.

Sa medical bulletin naman ni Marcos mula sa Aegle Wellness Center, kumpirmado ang lahat ng nararamdaman ni Marcos.

Sa ngayon ay naka-isolate na si BBM kasabay ng paghingi ng paumanhin kung bakit hindi makadalo sa hearing.

Samantala, pinagsama naman ng Comelec ang dalawang disqualification case ni Marcos.

Kaya asahan na isang resulta na lamang ang ipapalabas ng poll body sa dalawang kaso.