Join the campaign (Learn More)

SMNI News : Belgica, pinabulaanan na pinakasuhan si Bongbong Marcos sa COMELEC

News & Interviews
10 January 2022

By Figoroa Sue | SMNI News

MARIING itinanggi ni senatorial aspirant Greco Belgica na isa siya sa mga nagpakaso kay presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos sa Comission on Elections (COMELEC).

Sa kanyang social media nitong Linggo, mariing pinabulaanan ni Senatorial aspirant Greco Belgica na pinakasuhan niya sa COMELEC si presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang report na siya umano ang nasa likod ng disqualification case na isinampa ni Danilo Lihaylihay laban kay BBM.

Ani Belgica, wala siyang kinalaman sa kaso.

 “First of all I’m only running for senator that’s why what interest would I have to file a case against a presidentiable. Pangalawa, I have nothing against BBM. I am only waiting for who the president will endorse,” pahayag ni Belgica.

 Tinukoy naman ni Belgica ang vlogger na si Maharlika na nagpakalat na siya umano ang nasa likod ni Lihaylihay.

Diin nito na parehong lumapit noon sina Lihaylihay at Maharlika sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kung saan si Belgica ang dating Chairman.

 At kahit wala sa jurisdiction ng PACC ang problema ng dalawa ay tinulungan pa rin ito ni Belgica bilang noo’y PACC Chairman.

Kaya hindi raw maintindihan ni Belgica kung bakit siya nadadawit sa isyu ng dalawa.

Samantala, binigyang diin ng dating PACC Chair na hindi niya ugaling mang-utos sa pagsasagawa ng imbetigasyon at pagsasampa ng mga kaso.

“Ako po ay naging PACC Commissioner at naging PACC Chairman kami po ang nag-iimbestiga, kami po ang nagfa-file kami po mismo ang nage-expose. I don’t use anyone to fight my battles for me,” ani Belgica.

 Nagpaliwanag naman ang senatorial aspirant kaugnay sa mga larawang kumalat sa social media kung saan kasama niya si Lihaylihay.

 “Pero hindi po dahil meron kaming mga pictures eh close na kami or alam ko ang kanyang ginagawa. Ako po ay isang Pastor, so siya po ay dumadalo sa church ko noon, nagpapa-picture tapos lumalapit para sa tulong and he is one of the 13,000 people who wrote me to ask for help, tinulungan ko. Dahil yung kanyang kaso ay hindi saklaw ng PACC.” – Belgica

 Umaasa si Belgica na sana’y maging mapanuri ang mga Pilipino at i-verify ang lahat ng mga nababasa sa social media.

Pakakasuhan naman ni Belgica ng cyber libel ang vlogger na nagpakalat ng fake news.

Bukas naman ang SMNI News sa panig nina Lihaylihay at Maharlika.