SMNI News : BBM, titingnan pa ang format ng COMELEC Debate

2 March 2022

By Mike Crisologo | SMNI News

TITINGNAN pa ang format ng presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ang naging pahayag ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. hinggil sa isyu kung dadalo o hindi ito sa naturang debate.

Bagamat sinabi ng COMELEC na mauna na itong magbibigay ng topic sa mga kandidato, sinabi ni Marcos na pareho lang naman ito sa ibang debate at hindi na bago.

Nauna nang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos na hindi dadalo ang dating senador sa mga debate kung hindi platform-based at ihaharap lang ito sa ibang kandidato.