SMNI News : BBM, idedetalye ang kanyang programs of government sa ‘The Deep Probe’

25 March 2022

By SMNI News

DETALYADONG ipapaliwanag ni presidential frontrunner Bongbong Marcos ang kanyang programs of government sa pagdalo niya sa ‘The Deep Probe’ ang final interview ng SMNI sa mga presidentiable.

“Dadalo si presidential frontrunner Bongbong Marcos sa inyong programa,” ayon kay Rodriguez.

‘Yan ang pagkumpirma ng kampo ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos.

Hindi na magiging debate format ang event bagkus 4 versus 1 interview na ang format.

Apat na panelist ang magtatanong at gigisa sa bawat presidentiable para sa detalyadong paglalahad ng mga plano nila para sa bayan.

Sa impormasyong nakuha ng SMNI News, magkaisa ang plano ni BBM para sa agriculture and cooperatives.

May plano rin para sa jobs and job creation, environment, infrastructure, education and youth, local government, OFWs pati ang retirement plan ng mga ito.

Ilalatag din ang detalyadong programa para sa pahabay pati na sa tourism sector.

Kabilang din sa detailed programs ni BBM ang para sa energy, post COVID-19, media culture and arts.

At higit sa lahat, idedetalye ang kanyang magiging national security plan.

“At ito nga yung format na gusto namin na merong enough time na ipakita yung kanyang platform of government, yung kanyang platform of governance, yung kanyang misyon at yung kanyang direksyon if and when he will be blessed to have that mandate of the majority of the Filipino people. This is the time na ilahad niya kung ano ang kanyang governance,” ayon kay Rodriguez.

Ipinaliwanag naman ni SMNI Honorary Chairman Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang live Powerline program ngayong hapon, kung ano ang magiging atmosphere ng ‘The Deep Probe’ bukas.

“Relax yung atmosphere ngayon eh. Nakaupo, tapos parang very light ang atmosphere. Nakaupo na yung iinterviewhin. Yung apat naka-upo rin individually. Pagkatapos kakape-kape kakain-kain but in the midst of that there will the meaty and deep discussion of any issues they want to ask you. According sa platform na iyong pinahayag. According sa iyong sasabihin doon ka tatanungin eh,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Dito po sa mga ganitong format, sa mga ganitong forum ay handa kaming magpasuri at ilang beses nang nagpasuri si presidential frontrunner Bongbong Marcos,” ani Rodriguez.

Bukas, alas dos ng hapon ang broadcast ng SMNI ‘The Deep Probe’ LIVE sa OKADA Manila!