Join the campaign (Learn More)

SARA DUTERTE CALLS ON HER MILLIONS OF SUPPORTERS TO PROTECT BBM

Press Releases
22 November 2021

Vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte on Sunday urged her millions of supporters to protect presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and their unifying tandem, the BBM-Sara Uniteam.

“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” Sara told the crowd during the ceremonial kickoff of the BBM-Sara Uniteam nationwide synchronized unity ride in Tagum City.

She said she is confident that BBM’s enormous experience in local governance and national legislation will help him in performing his job as president.

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na makapartner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive. Pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives, naging congressman siya at naging senador siya, pinili ninyo at binoto ninyo kaya naniniwala ako na yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas,” Sara said.

She added that “there are times when we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives we need to stand behind another leader.”

Meanwhile, Bongbong, speaking on the same occasion, said that the “BBM-Sara Uniteam nationwide synchronized caravan was a positively-charged, voluntary mass action for national unity, peace and prosperity.”

“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa,” he said, adding that the country will overcome the pandemic through unity, which is inherent in the Filipino.

Aside from Davao City, Tagum City, and Davao del Norte, millions of BBM-Sara Uniteam supporters from 15 provinces and 30 cities from Abra, Northern Luzon, Bicol Region, Calabarzon, Visayas, and Metro Manila joined the simultaneous “unity ride.”

Bongbong and Sara continue to lead in all formal (methodological) and “random, real-time man on the street” presidential and vice presidential preferential surveys. 

-- 30 --

bbm-sara01.jpg
bbm-sara03.jpg
bbm-sara-2.jpg

ENGLISH: Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos and vice presidential bet Sara Duterte of the BBM-Sara Uniteam addressed their supporters for the first time in Tagum City, Davao Del Norte. The tandem joined thousands of Davaenos in a simultaneous nationwide ‘Unity Ride’ that practically turned the streets into a sea of red and green.


FILIPINO: SA kauna-unahang pagkakataon ay hinarap ng Uniteam tandem nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential bet Inday Sara Duterte ng Lakas-CMD, ang libu-libo nilang tagasuporta sa Tagum City, Davao del Norte. Ang ‘unity ride’ ng tambalang Marcos-Duterte ay sinabayan din ng motorcade caravan sa iba’t ibang sulok ng bansa kung saan ay nagmistulang kulay pula at berde ang ilang lansangan dahil sa pagdagsa ng libu-libong BBM-Sara Uniteam.

FILIPINO VERSION

INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN ANG ATING KANDIDATO, PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.

“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” ito ang naging pahayag ni Inday Sara sa kanyang talumpati sa Tagum City sa okasyon ng ceremonial kickoff ng BBM-Sara Uniteam nationwide synchronize unity ride.

Sinabi ni Inday Sara na tiwala siya na ang mga karanasan ni Bongbong na nagsilbi bilang gobernador, kongresista at senador ang mga mapaghuhugutan niya para sa pagsisilbi bilang pangulo ng Pilipinas.

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na makapartner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive, pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives naging congressman siya at naging senador siya, pinili niyo at binoto niyo kaya naniniwala ako na . . .  I confidently believe na ‘yung mga karanasan niya bilang governor, congressman at senador ‘yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas,” pahayag pa ng alkalde ng Davao City.

“Often times in life we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives, we need to stand behind another leader,” sabi pa ni Inday Sara

Si Bongbong at Sara ay patuloy na nangunguna sa lahat ng pormal (methodological) at “random, real-time man on the street” presidential at vice presidential preferential survey sa buong bansa.

Samantala, sa nasabing okasyon ibinida naman ni Bongbong na ang “BBM-Sara Uniteam” nationwide synchronized caravan ay isang “positively-charged, voluntary mass action” para sa pambansang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.

“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa,” pahayag ni Marcos. “Mapagtatagumpayan natin ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaisang ‘yan na likas sa atin. Sama-samang babangong muli ang mga Pilipino!”

Bukod sa Davao City, Tagum City at Davao del Norte, milyon-milyong supporter ng BBM-Sara Uniteam ay nakilahok din sa “unity ride” sa may 15 lalawigan at 30 mga siyudad sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.

— 30 —