Saksi Ngayon : Tutulong sa ikatatagumpay ng BBM admin ATTY. RODRIGUEZ NEXT EXEC SECRETARY

By Saksi Ngayon

HANDA si veteran law practitioner Victor D. Rodriguez na magsilbi sa susunod na administrasyon at nangakong dodoblehin ng kanyang team ang kanilang pagtatrabaho para sa ikatatagumpay ng anim na taong termino ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ito ay kasunod ng pagtanggap ni Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos, sa kanyang nominasyon bilang Executive Secretary.

Kahapon ay inanunsyo ng kampo ni Marcos ang nominasyon ni Rodriguez sa pamamagitan ng isang statement na agad ding tinugon ng huli.

Ang 48-anyos na si Rodriguez ay 48-anyos ay kilalang “fiercely loyal” kay Marcos.

Ani Rodriguez, hindi niya matatanggihan si presumptive Marcos.

“I thanked President-elect Bongbong Marcos for the trust and confidence. Rest assured that our team will work doubly hard for the success of his six-year presidency,” mensahe ni Atty. Rodriguez.
Aniya, isang karangalan na makatrabaho si BBM.

“It is an honor working with him, whom I have known for a very long time and I believe will serve the country efficiently and with unquestioned devotion. It is very flattering to work alongside the best person I’ve known,” pahayag ni Rodriguez.

Kung matutuloy, si Rodriguez ang papalit sa pwesto ni Sec. Salvador Medialdea, ang Executive Secretary ni Pang. Rodrigo Duterte.

Naka- iskedyul ang pagpalit sa pwesto ng susunod na administrasyon sa June 30, 2022.

Si Rodriguez ay inatasan na pangunahan ang transition team sa pagitan ng outgoing Duterte administration at ng kampo ni Marcos.

Nagsilbi rin siyang Deputy General Counsel ng Integrated Bar of the Philippines at nagtapos ng abogasya sa UST. Mayroon din siyang Executive Education sa Na