Saksi Ngayon : Suporta kay Marcos bumuhos sa National Press Club FB page PREXY BID SA 2022 POSIBLE – BONGBONG

News & Interviews
6 August 2021

By Saksi Ngayon

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

BUKAS si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa posibilidad ng pagtakbo sa presidential election sa 2022.

Sa media forum ng National Press Club via Zoom nitong Biyernes, inihayag ni Marcos na nasa proseso pa siya ng pag-aaral at malalim na pinag-iisipan ang magiging hakbang para sa susunod na halalan.

Kasabay nito, tiniyak ng dating senador na tatakbo siya sa 2022 elections.

Bukas din aniya siya sa posibleng tandem kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, maging kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ngunit, ayon kay Marcos o BBM, bagaman nagkita at nagkausap sila ni Duterte-Carpio noong Mayo ay hindi naman nila napag-usapan ang posibleng tambalan.

Inilarawan ng kapatid na si Sen. Imee Marcos ang kanilang pakikipagkita noon sa alkalde sa Davao City bilang isang ‘social gathering’ at walang usapan hinggil sa pulitika.

Kamakailan ay pumangalawa si BBM sa survey na isinagawa ng OCTA Research at halos magkadikit sila ng nangungunang presidential bet na si Duterte-Carpio.

Lumabas ang resulta matapos ang pahayag ni Marcos na siguradong tatakbo siyang presidente kung makikita ang solidong suporta ng mamamayan.

Nabatid din na sinimulan na ni BBM na ayusin at palakasin ang kanyang puwersa bilang paghahanda.

Sa kasalukuyan ay abala rin ang dating senador sa paghahatid ng ayuda sa iba’t ibang sektor ng lipunan partikular sa mga labis na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.

Marcos pa rin!

Samantala, sa nasabing media forum ay dumagsa ang mga supporter ni BBM na pawang nagpahayag ng kanilang mainit na pagtanggap sa posibilidad ng pagsabak nito sa pampanguluhang halalan.

Ang mga salitang “Marcos pa rin” at “BBM sa 2022” ang nangibabaw na komento ng mga ito.

“Go for the presidency! You are the right candidate and we will be with you all the way,” ang post ni MervynandVirginia Enciso Espadero.

“That’s right Apo BBM. We need a great leader like you that seek to unite not to divide,” comment naman ni Maria Fe Espiritu.

Sabi naman ni Dulce Awacay: That’s the reason why I love the Marcoses they don’t care bout their haters all they want is to make this Nation Great Again✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️ Marcos Loyalist HongKong.

Comment naman ni Diosa Valentin: C BBM lng dpt Manalo sa darating na Election 2022 dhil Sya lng ang magppabago sa Economiya Ng Ating Bansa Pilipinas.

Habang mayroon ding mga suportado ang BBM-Sara tandem tulad ni Dawe Manzanilla na nag-comment ng: Marcos for president, Sarah duterte for vice president.

Apela ng isang Frank LLadoc Esquilon: BBM, sir please run as president this coming 2022, listen to the true voice’s of the people!