Saksi Ngayon : “SOLID NORTH VOTES” SOLID FOR BONGBONG

News & Interviews
25 July 2021

By Saksi Ngayon

DUMALO ang nasa limampung mambabatas at political leaders ng tinaguriang ‘solid north’ sa pagtitipon na inilarawan ni Sen. Imee Marcos bilang ‘pre-SONA’ merienda sa kanyang tahanan sa San Juan City kahapon.

Bagaman wala pang pinal na desisyon ang kapatid na si former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanyang plano sa halalan sa susunod na taon, ang pagtitipon para sa mga dumalong mambabatas ay pagpapakita ng suporta at pagtaya sa posibilidad ng panalo ni BBM sa presidential race.

Nakakuha ng 17.8 percent rating, si Bongbong o BBM ay pumapangalawa sa presidential daughter na may 20.8 percent sa latest survey ng Publicos Asia, Inc.

Samantalang si VP Leni Robredo ay pangatlo sa 13.2 percent rating at pang-apat ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na nakakuha ng score na 11.3 percent.

“If he decides to run for president, BBM will surely get the block votes of the so-called ‘solid north’ which count to a few millions coming from the provinces of Regions 1 and 2 and some parts of Region 3,” pahayag ng isang kongresista na hindi na nagpabanggit ng pangalan.

“By default, our political culture in the Ilocandia is to always stick to an Ilocano bet in any national electoral post,’ pagmamalaki pa niya.

“While some presidentiables have made known this early their intentions to vie for the presidency, it appears that BBM is keeping close to his chest his decision which is typical of a seasoned politician… the very reason why we are confident of his victory in this coming election,” saad naman ng isa pang miyembro ng ‘solid north’ na kabilang sa mga dumalo sa pre-SONA merienda na idinaos ni Sen. Imee.

Lingid sa publiko, si BBM, na hiniling na tawagin na lamang siyang Citizen Bongbong, ay ilang ulit nang nagpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan.

Kabilang sa kanyang mga naabutan ng ayuda ay mga medical at government frontliners na nangunguna sa paglaban sa corona virus. Nagpaabot din siya ng tulong sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Taal Volcano at mga nasunugang pamilya sa Pateros kamakailan.

“And despite of his unheralded regular political routines and discreet consultations with leaders and supporters, our very own BBM still scored very high in presidential surveys conducted by credible pulsing institutions,” pahayag naman ng isa ring member-solon ng ‘solid north’.

Dagdag pa niya: “We expect Sen. Imee to roll out more political tightening moves for her brother in whatever decision that BBM would come up with soon or on the day of the filing of CoCs… since I’ve already said that by default we, Ilocanos, stick to our own candidates.”