Join the campaign (Learn More)

Saksi Ngayon : Publiko binigyang pag-asa sa banta ng Omicron variant MALALAMPASAN DIN NATIN ‘TO – BBM

News & Interviews
30 November 2021

By Saksi Ngayon

PINALAKAS ni Presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng banta ng panibagong variant ng COVID-19.

Bagaman hindi aniya dapat mag-panic ang publiko, kailangan gumawa ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.

Sinabi ni Marcos, pambato ng Partido Federal ng Pilipinas, na kailangang mas paigtingin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng health protocols at bilisan ang pagbabakuna upang agad makamit ang herd immunity.

Naniniwala ang dating senador na malalagpasan din ng bansa ang bagong Omicron variant.

“Don’t be disheartened. We have been there. We have survived COVID-19’s all earlier variants.

I, myself, have survived COVID-19. It’s a painful process, but I did beat COVID-19.

As a unified country, we will survive Omicron. We can still prevent it. Border control must be strengthened with health protocols maintained and we must speed up mass vaccinations to achieve herd immunity fast. The sooner, the better,” bahagi ng mensahe ni Marcos na kilala rin bilang BBM.

Bagama’t mabagal aniya ang pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa, kailangan unahin ang kaligtasan ng mamamayan.